- —342—
rarakan: lumalakad ng walang imik at kunót ang kilay na
waring masama ang loob. Sa káhulíhulihan, nang makita.
na ang guardia ay hindi na nasisiyahan sa sangá kundî
pinagsisipâ pa ang mga huli na nápaparapa, ay hindi na
nakapagpigil at bugnót na sumigaw nang:
—Hoy, Mautang, bayaan mo na siláng lumakad na
mapayapà!
Si Mautang ay lumingóng nápamangha.
—At anó ang mayroon sa iyo, Carolino? —ang tanong.
—Sa ganang akin ay walâ, nguni't naaawà akó! —ang
sagót ni Carolino; -mga tao rin iyáng kagaya natin!
- Napagkikilalang baguhan ka pa!-ang paklí ni Mau-
tang na tumawang may habág,-Ikung gayo'y ano ang ina-
asal ninyo sa mga máhuli sa labanán?
—Mabuting di sápalâ kay sa ganiyán! —ang sagot ni Ca-
rolino.
Nápahintông sandali si Mautang, at pagkatapos, waring
nakátagpo ng isásagót ay panatag na tumugón, na:
—A, ang mga huli doon ay mga kaaway at lumalaban,
samantalang ang mga ito ay.... ito'y mga kababayan natin!
At lumapit na ibinulóng kay Carolino:
—¡Nápakahangál ka! Ginagawa sa kanila ang ganiyán
upang magtangkang lumaban ó tumanan, at sa gayon ay....
pung!
Ang Carolino ay hindi sumagót.
Ang isá sa mga huli ay namanhik na pahintulutan
siyáng tumigil sapagka't mayroon lamang gagawing kailangan.
—¡Ang poók na ito'y mapanganib! —ang sagot ng kabo,
na di mápalagay na tinitingnan ang bundók:-sulong!
—Sulong!--ang ulit ni Mautang.
At humaging ang pamalò. Ang huli ay namilipit at
tiningnán siya ng tinging may sumbát.
—Mabangis ka pa kay sa tunay na kastilà —ang-sabi ng
baliti.
Tinugón siyá ni Mautang ng ilang palò. Halos sabáy
doo'y humaging ang isang punlô na sinundán ng isang pu-
tók: nabitiwan ni Mautang ang baril, bumitiw ng isang tu-
ngayaw at matapos madalá sa dibdib ang dalawáng kamay
ay umikit at bumagsák. Nákita siya ng huli na kumikisáy
sa alikabók at linálabasán ng dugo sa bibig.