Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/347

From Wikisource
This page has been proofread.
—341—


tâán at ang panghihinà ay nálalarawan sa kanilang pagmu-
mukha, ang paghihinagpis, ang pagkagalit, isang bagay na hindi
mawari, tinging mamámatáy na sumusumpâ, taong naiinip sa
buhay, sa sarili, na nagtutungayaw sa Dios.... Ang mğa
lalong nakapagtatagal ay itinútungó ang ulo, ikinúkuskós ang
mukha sa maruming likurán ng sinusundán upang mapahid
ang pawis na tumátakip sa kaniláng mğa matá; ang mara
mi'y pípiláy-piláy. Kapag may nakaabala sa lakad dahil
sa pagkadapa ay mádidingig ang isang tungayaw at lalapit
ang isang sundalo na iniwawasíwas ang isang sangá, na ki-
nuha sa isang puuò, at pinipilit na pinatitindig sa palò dito't
palo doon. Sa gayo'y tumatakbo ang hanay, na, kaladkád
ang nádapá na nágugumon sa alabók at umuungal na hiní-
hinging siya'y patayin: sa isang pagkakataon ay napapatindig,
nápapatayo, at sakâ ipinatutuloy ang kaniyang paglakad na
umiiyak na wari'y batà at isinusumpa ang oras na siya'y
naging tao.

Ang pilíng na tao ay maminsan minsang humihintô sa
mantalang nangagsisiinóm ang mga may dalá sa kanilá, at
pagkatapos ay ipatutuloy ang lakad na ang bibig ay tuyô,
ang pag-iisip ay madilim at ang puso'y puno ng paglait. Ang
uhaw ay siyang pinakamunting bagay na inaalintana ng mga
kaawàawàng taong iyon.

—¡Lakad, mga anak ng p....! —ang sigaw ng sundalo,
na nakapagpanibagong lakás, na ibinigkás ang karaniwang
lait ng mga pilipinong pinakadukhâ.

At sumasagiteft ang sangá at tumatamà sa likurán ng
kahit sino, ng lalòng nálalapit, kung minsan ay tumatamà
sa isang mukha, nag-iiwan muna ng isang bakás, pagkatapos
ay mapulá, at mayamaya'y marumi dahil sa alikabók ng
lasangan.

—¡Lakad nga duwág-ang sigaw sa wikàng kastilà na
pinalalaking mabuti ang boses.

—¡Manga duwág!-ang ulit ng alingawngaw ng bundók.
At tinutulinan ang lakad ng mga duwág, sa silong ng
langit na wari'y nagbabagang bakal, sa isáng daáng nakapapasò.
na iniáaboy ng mabukóng sangá na nalúluray sa malatay
na balát. Ang lamig sa Siberia ay mabuti pa kay sa araw sa
buwan ng Mayo sa Pilipinas! Gayón man, sa mga sundalo ay
may isang namumuhi sa gayóng mga kabangisáng walang kapa-