- —340—
mga bukid, ang mga hayop ay napupuksa at isang bakás
na dugô at apóy ang nagiging tanda ng kaniyang pagdaraan.
Hinahalay ni Matanglawin ang lahát ng mga mahihigpit na
kautusang laban sa mga tulisán: walang napapahirapan sa
mga kautusáng yaón kundi ang mga naninirahan sa mga
nayon, na kaniyang binibihag ó sinasalantâ kung naglalabán,
ó kung nakikipagkásundo sa kaniya ay ipinalalamóg ó ipi-
natatapon ng pamahalaan, kung sakaling dumáratíng sa pag-
tatapunan at hindi abutin ng malubhang sakuna sa pagla-
lakbay. Dahil sa gayong kalagayan ay marami sa mğa
taga bukid ang sumasailalim sa kaniyang kapangyarihan.
Sanhi sa kakilakilabot na kaparaanang ito, ang naghi-
hingalo nang pangangalakal ng mga bayan ay nagpatuloy na
namatay ng lubusan. Ang mayaman ay hindi makapangahás
na makapaglakbay, at ang mahihirap ay natatakot na má-
huli ng guardia sibil, na, dahil sa nauutusang umusig sa
mga tulisan ay madalás na hinuhuli ang unang másumpungan
at pinahihirapan ng katakot-takot. Sa kaniyang di karapa-
tán, ang pamahalaan ay nagpapakita ng kalakasan sa mga
taong kaniyang pinaghihinalaan, upang, sa kápapahirap, ay
huwag málalatâ ng mga bayan ang kaniyang kahinaan, ang
takot na nagtatakda ng mga gayóng kautusán.
Isáng hanay ng mga kaawàawàng itó na pinaghihinalaan,
mga anim ó pitó, na nangakabaliti ng abot siko at nangáta-
taling wari'y piling nang tao, ay nangaglalakád isáng tang-
haling tapát sa isáng daang namamaybay sa isang bundók,
na dalá ng sampu ó labíng dalawang guardia na nangaka-
baríl. Lubhang matindi ang init. Ang mga bayoneta ay nag-
kikintaban sa araw, ang kanyón ng mga baril ay nag-iinit,
at ang mga dahon ng sambóng na nálalagay sa mga kapa-
sete ay halos hindi makapagpahina sa tindi ng nakasusunog
na araw sa buwan ng Mayo.
Dahil sa hindi máikilos ang mga bisig at nangagkaka-
dikitan, upang huwag gumamit ng maraming lubid, ay luma-
lakad ang mga huli na halos lahat ay walang takip sa ulo
at mga walang sapin ang paa: mabuti na ang may isang
panyông nakatali sa ulo. Ilingál na hinĝál, hiráp, punông
puno ng alikabók na nagiging putik dahil sa pawis, ay na-
raramdamang natutunaw ang kanilang utak, may lumilipanàng
ilaw sa kaitaasan, mga badhâng pulá sa himpapawid. Ang kapa-