Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/345

From Wikisource
This page has been proofread.
—339—

—¡Sayang!-ang bulalás na nilakasán ang loób, —ima-
sama ang nagawa ng magnanakaw! Nangamatay sanang
lahát....

Tiningnan siyáng gulilát ni Sensia; ang mga babai'y
nangag-angtandâ. Si kapitáng Toringoy na natatakot sa po-
litika ay umanyông lálayo, Si Isagani ang tinungo ni Mo-
moy.

—Kailan ma'y hindi mabuti ang kumuha ng hindi sariling
ari, ang sagot ni Isagani na may matalinghagàng ngiti; —kung
nálalaman lamang ng magnanakaw na iyóu kung ano ang
pinapakay at nakapag-isip sana, ay tunay na hindi gágawín,
ang gayón!

At idinagdág matapos ang munting hintô:

—Pantayan man ng kahit gaano'y hindi akó lálagáy
sa kalagayan niya.

At nagpatuloy silá sa pagkukuròkurò at pagpapalá.
palagáy.
Makaraan ang isang oras, ay nagpaalam na si Isagani sa
mag-aanak upang manirahan na sa habang buhay sa piling ng
kaniyang amaín.

XXXVIII
KASAWIAN

Si Matanglawin ay siyáng kilabot sa Lusón. Ang ka-
niyang pangkát ay sisipot kung minsan sa isang lalawigang
hindi inaakalang kaniyang lulusubin at kung minsan ay
biglang susulpót sa isang lalawigang humáhandâng maglabán
sa kaniya. Susunugin ang isang kabyawan sa Batangan,
sisirain ang mga pananím; kinabukasan ay papatayin ang
hukóm pamayapà sa Tiani, sa isa pa'y lolooban ang isáng
bayan sa Kabite at kukunin ang lahat ng armás sa tribunal.
Ang mga lalawigang panggitna, mula sa Tayabas hanggang
Pangasinan, ay inaabot ng kaniyang mga kabangisan at ang
kaniyang madugong pangalan ay umaabot hanggang Albáy,
sa timog, at sa hilagà'y hanggang Kagayán. Sapagka't inalisán
ng sandata ang mga bayánbayán dahil sa pagkukulang ng
tiwalà ng isang mahinàng pamahalaan ay nahuhulog sa ka-
niyáng mga kamay na waring walang kabuluhang bihag;
paglapit niya, ay iniiwan ng mga manananim ang kanilang