- 338—
—¡Ang alín?
—Ayaw ninyong paniwalaan si tia Tentay. Si Simoun
ay siyang diablo na nakábilí sa kaluluwa ng lahát ng kas-
tilà.... sinasabi na ni tia Tentay!
Si kapitana Loleng ay nag-antanda, hindi mápalagay na
tiningnan ang mga bató na nanganganib siyang makitang
maging baga; hinubad ni kapitáng Toringoy ang sinsing na
galing kay Simoun.
—Si Simoun ay nawala nang hindi nag-iwan ng bakás,
—ang dagdag ni Chichoy; hinahanap siya ng guardia sibil.
—Oo-ang sabi ni Sensia,-hanapin nila ang demonio!
At nag-antandâ. Ngayon nilá nalinawan ang maraming
bagay, ang malaking kayamanan ni Simoun, ang katangita-
nging amoy ng kaniyang bahay, amóy asupré. Si Binday,
isá sa mga dalagang Orenda, mapaniwalâín at kaiga-
igayang binibini, ay nakaalaalang nakakita ng mga apóy
na bughaw sa bahay ng mag-aalahás, nang isáng hapon na
kasama ang iná'y naparoón silá upang mamili ng bató.
Si Isagani'y taimtím na nakikingig, na walang kaimik-
imík
—¡Kaya palá, kagabí....! —ang pabulóng ni Momoy.
—¿Kagabi? —ang ulit ni Sensia na may panibughô't na-
sàng makaalắm.
Hindi makapangahás na makapagpatuloy si Momoy, ngu-
ni't nawala ang kaniyang takot dahil sa mukhang ipinata-
náw sa kaniya ni Sensia.
—Kagabí, samantalang kami'y humahapon, ay nagkaroon
ng isang guló; ang ilaw sa kinakainan ng General ay na-
matáy. Sinasabing ninakaw ng isang hindi nakilala kung
sino ang lámparang handóg ni Simoun.
—¿Isáng magnanakaw? ¿Isá sa mga Mano Negra?
Si Isagani ay tumindig at nagpalakadlakad.
—¿At hindi náhuli?
—Lumundág sa ilog; walâng nakakita sa kaniya. May
nagsasabing kastilà raw; anáng iba'y insík; ang iba'y indio....
—Inaakalang sa pamagitan ng lámparang iyon, —ang tu-
gón ni Chichoy —ay pag-aalabin ang boông bahay, ang púl-
bura....
Muling nanginig si Momoy, nguni't nang makitang náram-
damán ni Sensia ang kaniyang katakutan, ay tinangkang iayos.