Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/343

From Wikisource
This page has been proofread.
—337—


lahát ng may utang sa atin ay naroroon: susmariosep! At
mayroon kaming isang bahay na malapit doon. ¿Sino kaya
ang....

—Ngayón ninyó málalaman, ang patuloy ni Chichoy na
mahinà ang boses, —nguni't kailangan ninyong ipaglíhim. Nga-
yong hapon ay aking natagpûán ang isá kong kaibigang má-
nunulat sa isáng káwanihán, at sa pag-uusap namin ng ukol
sa bagay na iyan ay sinabi sa akin ang lihim: nabatid
niya sa ilang kawaní.... ¿Sino sa akalà ninyo ang naglagay
ng mga bayóng ng pulbura

Ikinibit ng marami ang kanilang balikat; si kapitáng
Toringoy lamang ang tumingin nang pasulyáp kay Isagani.

—¿Ang mga praple?

—¿Ang insík na si Quroga?

—¿Isang nag-aaral?

—¿Si Makaraig?

Si kapitang Toringoy ay umuubó at tinitingnan si
Isagani.

Si Chichoy ay nakangiting umiling.

—Ang mag-aalahás na si Simoun!

—Si Simoun!!!

Isáng katahimikang anák ng pagkakamangha ang sumunod
sa mga salitang iyon. Si Simoun, ang nag-uudyók ng kasamaan
sa General, ang mayamang mángangalakal na pinaparoonan nilá
sa kaniyang bahay upang bilhán ng mga batóng kalás, si Si-
moun na tumátanggap sa mga Orenda nang lubhang maga-
lang at pinagsasabihan silá ng mga maiínam na pangungusap!
Dahil nga sa ang balità'y waring hindi mangyayari, kung
kaya't pinaniwalaan. Credo quia absurdum, ang sabi ni San
Agustin.

—Nguni't ¿walâ ba si Simoun sa pistá kagabi? —ang
tanóng ni Sensia.
-

—Nároroon, ang sabi ni Momoy, —nguní't náalaala ko
nga palá! Umalis nang kami'y maghahapunan. Umalis upang
kunin ang kaniyang handóg sa kasál.

—¿Nguni't hindi ba kaibigan ng General? ¿hindi ba ka-
samá ni D. Timoteo?

—Opò, nakipagsamá upang magawa ang pakay at nang
mápatay ang lahát ng kastilà.

—¡Ah! ani Sensia, —ngayón ko nalinawan!

22