- —336—
ngan at hindi namumutla na gaya ng mánginġibig na si
Momoy.
Si Momoy ay dumaló sa kasalan, kaya't may katuwiran
ang kaniyang nahuling pangingilabot. Si Momoy ay napa-
lapít sa kiosko.
—Iyan ang walang makapagsabi,--ang sagot ni Chichoy:—
¿sino ang dapat magkaroon ng hangád na guluhin ang ka-
pistahan? Wala kundi íisá lamang, ang sabi ng bantóg na
abogadong si G. Pasta na nároong dumalaw, ó isang kaga-
lít ni D. Timoteo ó isáng kaagáw ni Juanito....
Ang mga dalagang Orenda ay biglang nápalingón kay
Isagani si Isagani'y tahimik na ngumiti.
—Magtago kayó, ang sabi sa kaniya ni kapitana Lo-
leng; —baka kayó pagbintangán.... magtago kayo!
Muling ngumiti si Isagani at hindi sumagót nang anoman.
—Hindi maalaman ni D. Timoteo--ang patuloy ni Chi
choy, —kung sino ang may kagagawán; siya ang namahalà
sa pagpapagawa, siya at ang kaibigan niyang si Simoun, at
wala na. Sa bahay ay nagkaguló, dumating ang teniente ng
Veterana, at matapos na ipagbilin sa lahat ang paglilihim
ay pinaalís akó. Nguni't.....
—Nguni't.... nguni't....ang bulong na nanginginig ni
Momoy.
—Nakú —ang sabi ni Sencia na tiningnan ang kaniyang
nobio at nanginginig din dahil sa pagka-alaalang náparoon sa
pistá—ang señoritong itó.... kung sakaling pumutók....
At tiningnan og matáng galit ang kaniyang iniibig at
hinahangaan ang kaniyang katapangan.
—Kung sakaling pumutók....
—Walâng mátitirang buháy sa daang Anloague! —ang
dagdag ni kapitang Toringoy na nagpatanáw ng katapangan
at pagwawalang bahalà sa kaniyáng ának.
—Ako'y umuuwing litong litó,-ang patuloy ni Chichoy,―
na iniisip na kahi't isáng titis lamang, isáng sigarilyo, ay
nagkátaóng nahulog ó may sumabog na isáng lámpara, sa
mga sandaling ito'y wala tayong General, ni Arsobispo, ni
anomán, ni mga kawani man lamang! Abó ang lahat ng
nápatungo sa pistá kagabi!
—¡Virgen Santísima! ang maginoong itó....
—¡Susmariosep!-ang bulalás ni kapitana Loleng; ang