Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/341

From Wikisource
This page has been proofread.
—335—


pulbura, gayóng may maraming magagandáng sigay sa pitong
bahay, na waring kinikindatán siyá at nğininğitián ng kani-
láng mga mumunting bibig, na nakabuká, upang isubí sa iná.
Si Isagani, na kung pumáparoón, ay laging nakikipaglaro
sa kaniya at napadadayàng mátikabó, ay ayaw makingig sa
kaniyang katatawag; pinakikinggang tahimik at malamlám
ni Isagani ang isinásaysay ng platerong si Chichoy. Si Mo-
moy, ang katipán ni Sensia, ang pinakamatanda sa mga
Orenda, maliksi at magandáng dalaga kahì't may kaunting
pagka mapalabirô, ay umalis sa durungawang sa gabigabi'y
laging pook ng pag-uusap nilang magsing-ibig. Ang bagay
na ito'y nakamúmuhi sa loro na ang kulungan ay nakasabit
sa pairap ng bahay, lorong minamahal ng lahat ng tagá
bahay sapagka't marunong bumati sa lahát kung umaga sa
pamagitan ng maiinam na salitang ukol sa pag-ibig. Si
kapitana Loleng, ang masipag at matalinong si kapitana Lo-
leng, ay pigil na nakabukás ang kaniyang aklát talâan, ngu-
ni't hindi makuhang basahin ni masulatan; hindi minamas.
dán ang mga pinggán, na puno ng mga perlas na lagás,
ni ang mga brillante; noon ay nakakalimot at ang paki-
kingíg lamang ang ginagawà. Ang kaniyá nang asawa, ang
dakilang si kapitang Toringoy, galing sa pangalang Domingo,
ang lalong maligaya sa boong arabal, na walang gawâ liban
sa magbihis ng mainam, kumain, dumaldál, samantalang ang
lahát ng kaanak ay gumagawa at nagsusumakit, ay hindi
tumungo sa dati niyang pinaparoonang pinakikipaglipunan,
at pinakikinggang natátakóttakòt at nangangamba ang mga
kakilakilabot na ibinabalità ng payagót na si Chichoy.

At hindi mangyayaring hindi magkágayón. Si Chichoy ay naghatid ng ilang gawa kay D. Timoteo Pelaez, isáng pares na hikaw ng bagong kasál, nang iginígiba pa naman ang kiosko na ginamit na kakainan ng mga may lalong mataás na kapangyarihan. Sa dakong ito'y namumutla si Chichoy at naninindig ang buhok.

—Nakú aniya, mga bayóng ng pulburá sa ilalim ng
tungtungan, sa bubungán, sa ilalim ng dulang, sa loob ng
mga uupan, sa lahat ng sulok! Mabuti na lamang at walâ
isá mang manggagawang humihitit!

—At sino ang naglagay ng mga bayóng na iyon ng
pulburá? ang tanong ni kapitana Choleng, na may katapa-