Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/340

From Wikisource
This page has been proofread.
—334—


mulóng na marahang marahan sa tainga ng mamamahayag
ng mga mahiwagang salita sa pag-itan ng dalawang palad
na pinagtaklóp.

—¿Tunay ba?-ang tanong ni Ben-Zayb na idinukot ang
kamáy sa bulsá, samantalang namumutla ng bahagya.

—At kahi't saán mátagpuan....

Tinapos ang salita sa isang galaw na makahulugan. Iti-
naás ang dalawang kamay hanggang pantay mukhâ, na ang
kanan ay lalo pang baluktot kay sa kaliwa, ang mga palad
ay tungo sa ibaba, ipinikit ang isang matá at makálawang
gumalaw ng papasulong.

—¡Psst, psst! ang kaniyang sipol.

—¿At ang mga brillante?-ang tanong ni Ben-Zayb.

—Kung mátatagpuan....

At gumawa ng isa pang kilos sa pamagitan ng mga da-
liri ng kanang kamáy, na pinaikit-ikit mulâ sa haráp hang-
gáng sa likod at mula sa labás na papaloób, na wari kilos
ng pamaypáy na nátitiklóp, waring may iniipon, mga laba-
yang umiikit na pumapalís nang patungo sa kaniyá, na mali-
nis ang pagkakapangdukot. Sinagót ni Ben-Zayb ng isá ring
kilos, na pinapangdilat na mabuti ang mga matá, binalan-
tók ang mga kilay at malakás na lumangáp ng hangin, na
waring ang hanging nakabubusog ay natuklasan na.

—Jhs!!!

XXXVII
ANG HIWAGA
Todo se sabe.

Kahit na pinagkáingatan ng labis ay nakarating din sa
kabatirán ng madlâ aug alingawngaw, subali't malakí na
ang kaibhán at marami na ang kulang. Yaon ang sanhi
ng mga sang-usapan ng sumunod na kagabihán sa bahay ng
isáng mayamang mag-aanak na sina Orenda, na nangangalakal
ng hiyás sa masipag na bayang Sta. Cruz. Siyá na lamang
náaatupag ng marami niláng kaibigan. Hindi nangaglalaro ng
tres siete, ni nagtutugtugan ng piano, at ang munting si Tinay, ang
pinakabatà sa lahát ng dalaga, ay nayayamót sa paglalarong
mag-isá ng sungká, na hindi mapag-unawà kung anó't pinag-uusa-
pan ang mga pangloloob, panghihimagsik, ang mga bayóng ng