Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/339

From Wikisource
This page has been proofread.
—333—


tinipán silá sa Santamesa upang makisama sa kaniyang pu-
lutóng at looban ang mga kombento at ang mga bahay ng
mğa mayayaman.... Ang mangungulo sa kanila'y isang
kastílàng mataas, kayumanggi, maputi ang buhók, na ang
sabi'y gagawa nang gayón sa utos ng General na matalik
niyang kaibigan, pinatibayan pa rin sa kanilá na ang artille-
ría at ilang regimiento ay makikisama sa kanilá, kaya't wala.
siláng dapat ikatakot. Ang mga tulisán ay patatawarin at ang
isáng katlong bahagi ng másamsám ay ibibigay sa kanilá, Ang
palatandaan ay isang putók ng kanyón, at sa dahilang hindi
dumatingdating ang kanilang inaantay na hodyát, ay inakala ng
mga tulisán na sila'y binirò, ang ila'y nangagsiuwi, ang ilan ay
nangagsibalík sa kaníkanilang bundók at nangakong paghi-
gantihan ang kastilà, na makalawa nang nagkulang sa kani-
yang salita. Sa gayón, siláng mga náhuli ay nagnasàng gu-
mawa, kahi't sa kanilang sarili, at linooban ang isang bahay li-
waliwan na nasumpungán, at ipinangangakong ibigay na walang
kakulangkulang ang dalawang katlong bahagi ng nasamsám
kung paghahabulin ng kastilàng maputi ang buhok.

Sa pagkakawangki sa anyo ni Simoun ng mga tinurang
ayos ay ipinalagay na hindi katotohanan ang mga pahayag
na iyon, kaya't binigyan ng katakottakot na pahirap ang
magnanakaw, sampû ng makina eléctrica, dahil sa gayóng ka-
halayhalay na tunğayaw. Dátapwâ't ang balitang pagkawala
ng mag-aalahás na nápuná ng lahat ng taga Escolta, at dahil
sa pagkakatagpo ng mga bayóng ng pulburá at maraming
punlô sa kaniyang bahay, ay nagkaroon ng wari'y katoto-
hanan ang pahayag ng tulisán at untîunting kumalat ang
lihim, na nababalot ng ulap, nangagbulóng-bulungan, umu
ubó, na ang tingi'y nanganganib, mga puntos suspensivos at
maraming salitang pinalalaki na ukol sa mga gayóng mga
pangyayari. Ang mga nakabatid ng lihim ay hindi matapos
tapos sa pagkakamanghâ, inihahabà ang mga mukhâ, nanga-
mumutla at kunti nang nasiràan ng isip ang marami nang
mapag-alaman ang ilang bagay bagay na hindi nápuná.

—Mabuti't nakaligtás tayo! ¿Sino ang makapagsasabi...
Nang kináhapunan, si Ben-Zayb, na punong puno ng mga
rebolber at bala ang mga bulsá, ay dumalaw kay D. Cus.
todio, na natagpuang masigasig na gumagawa ng isang pa-
nukala na laban sa mga mag-aalahás na amerikano. Bu-