- —332—
iták, escopeta, pistola.... leong nananandata, silla.... putól-
putól.... sinugatan nang walang kaawà-awà.... sampung li-
bong piso.....
At sa kagalakán, at dahil sa hindi pa lubos na nasisi-
yahan sa mga balità, ay tumungo sa pook na pinangyari-
han, na, sa daan ay binabalak ang salaysay ng paglalaban
¿Isang munting bigkás na tinuran ng namumunò? ¿Isáng
salitang paalipustang galing sa bibig ng pari? Lahát ng
pagpaparis at talinghagà, na iniukol sa General, kay P. Irene
at kay P. Salvi ay mákakapit sa paring nasugatan, at ang
salaysay na ukol sa magnanakaw ay sa bawà't isáng tulisán.
Sa pagmumura ay maaaring lumawig pa, maaaring banggitín.
ang pananampalataya, ang pananalig, ang kaawàan, ang
tugtog ng mga kampanà, ang utang ng mga indio sa mga
prayle, malungkot sa sarili at gumamit ng maraming banggít
at mga himig na ayos Castelar. Bábasin yaon ng mga dalaga.
sa siyudad at sasabihing:
—Si Ben-Zayb ay mabangis na gaya ng león at masuyò
na gaya ng isang tupa!
Nang dumating sa pook na pinangyarihan, ay napamangha
siya nang makita na ang nasugatan, ay dilì iba't si P. Ca-
morra, na tinakdaan ng kaniyang provincial na magdusa sa
pinaggagawa sa Tiani. May isang munting sugat sa kamay,
isáng bukol sa ulo dahil sa kaniyang pagkakatiwangwáng;
ang mga tulisan ay tatló at ang mga sandata'y pawàng iták;
ang halagáng nánakaw ay limang pûng piso.
—¡Hindi mangyayari!--ani Ben-Zayb;--magtigil kayó....
hindi ninyó alám ang inyong sinasabi!
—¡Hindi ko malalaman, puñales!
—¡Iluwag kayóng hangál!.... ang mga tulisan ay ma-
higit kay sa sinabi ninyó....
—¡Abá! ang manghihitit na itó ng tintá....
Nagkaroon silá ng isang malaking pagtatalo. Ang ma-
halaga kay Ben-Zayb ay ang huwag masirà ang isinulat,
palakihin ang mga pangyayari upang kumapit ang kaniyang
mga pinagturán.
Isang alingawngaw ang pumutol sa pagtatalo. Ang mga
tulisáng nangahuli ay nangagpahayag ng malalaking bagay.
Isá sa nga tulisán ni Matanglawin (si kabisang Tales) ay