Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/337

From Wikisource
This page has been proofread.
—331—


sahin man ó hindi ng mga pilipino, ay nagkakaroon din
ng bish.

—¡Kung bukas ó makalawá man lamang sana ay may
mangyayaring ibang pagkakasala! —aniyá.

At sa harap ng pag-aalala doón sa anák niyáng nama-
táy bago málimbág, mga bukong nababad sa lamíg, at sa
pagkakaramdám na ang kaniyang mğa matá'y nababasa ng
luhà, ay nagbihis upang makipagkita sa namamahalà. Ki-
nibít ng namamahalà ang balikat: ipinagbawal ng General,
sapagka't kung mapag-alamán na pitong malalaking mga
dioses ay nagpabayàng mapagnakawan ng isang balà na, saman-
talang ikinukumpay ang mga tenedor at cuchillo, ay mapapanga-
nih ang tibay ng Inang-bayan! At gayon ding ipinagbiling huwág
paghanapin ni ang lámpara ni ang magnanakaw at ipinagbibilin
sa mga susunod sa kaniyá na huwág mangahás na kumain
sa alin mang bahay ng ibang tao nang hindi nalilibid ng
mga alabardero at mga bantay. At sa dahilang ang mğa
nakaalam ng kaunti, sa mga nangyari sa bahay ni D. Ti-
moteo ng gabing iyón, ay mga kawani at mga kawal ay hindi
maliwag ang pabulàanan ang pangyayari sa haráp ng madlâ: ná-
tutukoy sa katibayan ng inang-bayan. Sa harap ng pangalang
ito'y itinungo na puno ng kagitingan ni Ben-Zayb ang kani-
yang ulo, na iniisip si Abraham, si Guzman el Bueno ó,
si Brutus man lamang at ang iba pang matatandang ma-
giting na nasa kasaysayan.

Ang gayóng karaming paghihirap ay hindi mangyaya-
ring hindi magkákaroon ng ganting palà. Ang Dios ng mga
mámamahayag ay nasiyahán kay Abraham-Ben-Zayb.

Halos kasabay noon ay dumating ang anghel na tagá-
balità na taglay ang tupa, na, anyông isang pangloloob sa
isang bahay liwaliwan sa bayháy ng ilog Pasig, bahay na
tinítirabán ng ilang prayle kung tag-init! ¡Yaón ang pa-
nahón, at si Abraham-Ben-Zayb ay nagpuri sa kaniyang
dios!

—Ang mga tulisan ay nakakuha ng mahigit sa dalawáng
libong piso, sinugatan nang malubha ang isang parì at dals-
wáng alilà.... Ang kura ay nagtanggol sa likurán ng isang
silla, na nagkásirâsira sa kaniyáng mga kamay....

—¡Hintáy, hintáy! -aní Ben-Zayh na nagtátalâ; —apat
ó limangpung tulisáng sa paraang taksíl.... mğa rebolber,