Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/336

From Wikisource
This page has been proofread.
—330—

At dinuluhan ang sulatín sa ganitong pangtapós:

"Matahimik na yumao ang matapang na bayani, na
"humawak sa kapalaran ng bayang itó sa kapanahunang lub-
"hâng maligalig! Matahimik na yumao upang lumangáp ng
"malunas na simuy ng Manzanares! Kamí rito'y maiiwan na
"wari'y matatapát na talibà upang dalanginan ang kaniyang
"ala-ala, banğàan ang kaniyang matatalinong kapasiyahan, at
igantí ang kataksiláng ginawa sa kaniyang mainam na handóg,
"na mákukuha rin namin sukdâng kailanganing patuyûín ang
"mga dagat! Ang gayong maalindóg na relikia ay magiging isang
"walang pagkapawing tanda sa bayang ito ng kaniyang kari-
"lagán, kalamigáng loob at katapangan."
Ganiyán niya tinapos ang sinulat na may kaunting ka-
dilimán, at bago mag-umagá ay ipinadalá sa pásulatan, na
may taglay nang kapahintulután ng tagasuri. At natulog na
wari'y si Napoleon nang matapos maitakda ang paraan ng
labanán sa Jena,

Ginísing siya nang nag-uumagá, na ang mga cuartilla ay
ibinabalik at may isang sulat ng namamahalà, na sinasabing
ipinagbawal na mahigpit ng General na pag-usapan ang nang-
yari at ipinagbilin na pabulaanan ang kahit anong sabi-
sabihan at usap-usapang kumalat, na, ang lahat ay ipalagay
na salísalita lamang, mğa palangha at mga pakapakana.

Sa ganang kay Ben-Zayb, ang gayón, ay pagpatay sa isá
niyang anak na nápakaganda't nápakatapang, na inianák at
inalagaan nang lubhang malaki ang paghihirap at pagpapagál at
¿saán niya iuukol ngayon ang mainam na pagtatatakáp, ang
magandang paghahayag ng mga paghahandang may katapangan
at pagpaparusa? At alalahanin, na sa loob ng isá ó dalawáng
buwan ay iiwan niya ang Pilipinas, at ang sinulat na
iyon ay hindi mangyayaring lumabás sa España, sapag-
kâ't papano ang pagsasabi noon sa mga salarín sa Madrid,
sa ang naghahari doon ay ibang pagkukurò, humahanap ng
mga pangyayaring nakapagpapagaán ng sala, tinítimbang ang
mga pangyayari, may mga jurado, ibp.? Ang mga sulat na gaya
ng kaniya ay kawangis ng ilang aguardienteng may lason
na ginagawa sa Europa, na mabuting ipagbili lamang sa
mga taong itím, good for negroes, na ang kaibhán lamang
ay ang kung hindi máinóm ng mga maiitím ay hindi
nangğasisirà, samantalang ang mga sulat ni Ben-Zayb, ba-