Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/335

From Wikisource
This page has been proofread.
—329—


Dios ng kapayapaan na isinuot boong buhay", tinangkâ ni
P. Irene na habulin ang nagkasala at sa pagbagtás niya nang
patuwid ay dumaan sa silong ng dulang. Sa pagsasalaysay
noon ay bumanggit ng mga lungga sa ilalim ng dagat, tinukoy
ang isang balak ni D. Custodio, inalala ang katalinuhan at mga
mahahabang paglalakbay ng pari. Ang pagkawala ng diwà.
ni P. Salvi ay isáng malaking dalamhati na dinamdám ng
mabait na pransiskano, sa pagkakitang kakaunti ang nápa-
pala ng mga indio sa kaniyang mga banal na pangaral; ang
pagkakatigagal at sindák ng ibang kasalo, na ang isá sa
kanila'y ang kondesa na "pumigil" (nangunyapít) kay
P. Salvi, ay dili ibá kundi katiwasayán at kalamigáng loob
ng mga magigiting, na sanay sa mga panganib sa gitna nang
pagtupad sa kanilang mga kautangán, na, sa piling nilá, ang
mga senador romano, na nabigla ng mga dumagsâng galo,
ay pawang mga binibining masindakin lamang na nangagu-
gulat sa harap ng larawan ng mga ipis. Pagkatapos at
upang maging kaibayó, ay ang larawan ng magnanakaw:
takot, kabaliwán, di pagkakangtututo, tinging mabalasik, an-
yông gulat at lakás ng kataasan ng uri sa kabaitan ng lipì!
ang kaniyang paggalang nang makita roong nangakalimpi
ang gayong katataas na tao! At kapit na kapit ngang isu-
nód doon ang isang mahabang parirala, isá ng paghikayat,
isáng talumpating laban sa pagkasirà ng mga mabubuting
kaugalian, at yaon ang sanhi ng pangangailangan ng isáng la-
ging hukumang kawal, "ang pagtatatag ng estado de
"sitio sa loob ng tatag nang estado de sitio, isáng tanging
"'kautusán, na makapipigil, matindi, sapagka't lubhaug kai-
"langang dalîdaliin ang pagpapakita sa mga masasama at mğa
"salarín, na kung sakali mang ang puso'y mahabagin at
"malingap sa mga mapangayupapà't masunurin sa kautusán,
"ay malakás naman ang kamay, matatág, walang pagmama-
"liw, matuwid at matindi sa mga lumálabág sa kaniya ng
"walang kakatuwikatuwiran at humahalay sa mga banál na ka-
"palakarán ng Inángbayan! Oo, mga ginoo, ito'y kailangan
"nang di lamang ng ikabubuti ng kapuluang itó, hindi lamang ng
"ikabubuti ng boong sangkatauhan, kundi ikabuti ng pangalan
"ng España, ng karangalan ng pangalang kastilà, ng karangalan
"ng bayang ibero, sapagka't sa ibabaw ng lahat ng bagay ay
"mga kastilà tayo at ang bandilà ng España" ibp.