- —328—
- XXXVI
- MGA KAGIPITAN NI BEN-ZAYB
Agád-agad na mabatid ang pangyayari, nang makakuha
ng mga ilaw, at makita ang di ayos na anyo ng mga ná-
biglang mga dios, si Ben-Zayb, lipús kamuhian at taglay
na ang pagsang-ayon ng sumisiyasat ng mga inililimbag,
ay nagtatakbóng tungo sa kaniyang bahay (isáng entre-
suelo na tinitirahan niyang may ibáng kasáma), upang sulatin
ang lalong malamang salaysay na nabasa sa silong ng langit
ng Pilipinas; ang General ay aalís na masama ang loob kung
hindi mababasa muna ang kaniyáng mga pasaríng, at ang
gayo'y hindi mapahihintulutang mangyari ni Ben-Zayb, na
may magandang pusò. Nagtiís na ngâng iwan ang hapunan
at ang sayawan at hindi natulog ng gabing yaón.
¡Mauugong na bulalás sa pagkagulat, pagkamuhî, ipalagáy
na wari'y gumuho ang mundó at ang mga bituin, ang mga
walang lipas na bituin ay nangagkakaum pugan! Pagkatapos
ay isang mahiwagang pangbungad, puno ng mga banggit,
mga pasaríng.... makaraan ito'y ang salaysay ng pangya-
yari at ang panghuling patì. Dinamihan ang mga paligoy,
inubos ang mga pasapyáw na salita sa pag-lalarawan ng
pagkakatiwangwáng at nang napakahuling pagkakabinyág ng
sabaw na tinanggap ng General sa kaniyáng noong tagalangit;
pinuri ang kaliksihang ginamit sa pagtayo, na inilagay ang
ulo sa dating kinálagyán ng paa at tiwarik; bumigkás ng
isáng pagpupuri sa lumikha dahil sa mairog na pagka-
kalingà sa mga kabanalbanalang mga butong yaón, at ang
pagkakasalaysay ay lumabás na nápakainam, na ang General
ay lumabas na wari'y isang magiting at lalo pang mataas
ang kinahulugan, gaya ng sabi ni Victor Hugo. Nagsulát,
kumatkát, nagdagdag at nagbanháy upang lumabás na dakilà
ang salaysay nang walang pagkakalisya sa katotohanan-itó
ang kaniyang tanging karapatán sa pagkamamamahayag,—
magíng kalakhán ang ukol sa pitong dioses at karuagan at
abâ sa hindi kilalang magnanakaw, "na nagparusa sa sarili,
sindák at nakakilala sa kalakhán ng kaniyáng pagkakasála
nang sandali ring iyón." Ipinalagay ang ginawa ni P. Irene
na pagpasok sa ilalim ng dulang na "bigláng udyók ng
likás na katapangan, na hindi napaglubág ng hábito ng isang