Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/333

From Wikisource
This page has been proofread.
—327—


nayaang mabitin ang kaniyang mga kamay na waring kinu-
lang ng lakás.

Ang di kapalagayang loob ay naging sindák; nangag.
kátinginan silásilá nang walang kahumáhumá. Tinangka ng
General ang tumindig, nguni't sa pangingilag na baka ipa-
lagáy na pagkatakot ang gayón, ay nagpigil at luminĝap sa
kaniyang paligid. Walâng mga sundalo: ang mga alilàng nag-
lilinkód ay hindi niya nakikilala.

—Magpatuloy tayo ng pagkain, mga ginoo,-aniya-at
huwag natin bigyang halaga ang isang birò!

Nguni't ang kaniyang boses ay hindi nakapagbigay ka-
tiwasayán kundi bagkús pa ngâng nagpalalò nang di kapalagayang
loob. Ang boses ay nanginginig.

—Ipinalalagay kong hindi ibig sabihin ng Mame thecel
phares na iyan, na tayo'y pápatayin ngayong gabi?-ani
D. Custodio.

Ang lahat ay napahinto.

—Nguni't mangyayaring tayo'y malason....

Binitiwan ang kanilang mga cubiertos.

Samantala'y untiunti nang nagkukulimlim ang ilaw.

—Ang lámpara ay nangungulimlim,-ang sabi ng General
na hindi mapalagay; —ibig bagá ninyong itaas ang timtím,
P. Irene?

Nang sandaling yaon, matulíng wari'y lintík, ay puma-
sok ang isang anino na nagbuwal ng isang uupán at sinagasà
ang isang alilà, at sa gitna ng pagkakagitlá ng lahát, ay
sinunggabán ang lámpara, tumakbo sa asotea at inihagis sa
ilog. Ang lahat nang ito'y nangyari sa isáng kisáp-matá,
ang kakainán ay nagdilím.

Ang lámpara ay lumagpák na sa ilog nang ang mga
utusán ay nakasigaw nang:-¡magnanakaw, magnanakaw! at
patakbó ring tumungo sa asotea.

—¡Isáng rebolber!-ang sigáw ng isá;-i madali ang isáng
rebolber! Habulin ang magnanakaw!

Nguni't ang anino, lalo pang maliksi ay nakapangibabaw
na sa babaháng ladrilyo, at bago dumating ang isang ilaw ay
nakalundág na sa ilog at nagpadinğíg ng isang alaguwák sa
sa pagbagsak sa tubig.