- —826—
Náalaala ang mukha niyang gulilát, siyá na hindi napapa-
wian ng kalamigang loób, at nagsimula na sa paghuhulò-
hulò. Isang bagay ang maliwanag na bumábakás sa kani-
yang pag-iisip: ang bahay ay sasabog at si Paulita ay na-
roroón, si Paulita'y mamámatay sa isang kakilákilabot na
pagkamatay....
Sa harap ng pagkabatid na ito ay nalimot ang lahát:
panibugho, pagtitiis, mga sama ng loób; ang maawàing bi-
natà'y walang naalaala kun di ang kaniyang pag-ibig. Hindi
na inalala ang sarili, walang kagatól-gatól, tinungo ang ba-
hay, at salamat sa kaniyang makisig na kagayakan at ka-
niyang anyong walang alinlangan, ay madaling nakaraán sa
pintuan.
Samantalang ang mga bagay na ito'y nangyayari sa
daán, sa kakainan ng mga malalaking dios, ay nagpatawid-
tawid sa mga kamay ang isang pergamino na kinababasahan
ng mga salitang itó, na tintáng palá ang ipinangsulat:
- Mane Thecel Phares.
- Juan Crisostomo Ibarra.
- Mane Thecel Phares.
—¿Juan Crisóstomo Ibarra? ¿Sino iyan?-ang tanong ng
General na iniabót sa kalapit ang papel.
—Isáng masamang birò!-ang tugón ni D. Custodio;—
lagdáán ang papel ng pangalan ng isang filibusterillo, na may
sampung taon nang patay.
—Filibusterillo!
—Iya'y isáng biròng magigiging sanhi ng kaguluhan!
—May mga babai pa namán....
Ilinahanap ni P. Irene ang nagbirô at ang nakita ay
si P. Salvi, na nakaupo sa kanan ng kondesa, na namutlâ
nang kasingputi ng kaniyang servilleta samantalang minamas-
dáng nangdididilat ang matá ang mga mahiwagang pangu-
ngusap. Ang nangyari sa espinghe ay kaniyáng náalaala!
—¿Anó, P. Salvi?-ang tanóng-¿nákikilala bagá ninyó
ang lagda ng inyong kaibigan?
Si P. Salvi ay hindi sumagót; umanyông mangungusap,
at hindi alumana ang ginagawa'y ipinahid sa noo ang serbilyeta.
—¿Anó ang nangyari sa inyó?
—Iyan ang kaniyang sulat!-ang mahinàng sagót, na
halos hindi mádinğíg-iyan ang tunay na sulat ni Ibarra!
At matapos makasandíg sa sandalan ng luklukan ay bi-