- —325—
Inilalayo siyang banayad ni Isagani at patuloy ding na-
katanaw na taglay sa labi ang malungkot na ngiti.
—¡Alang-alang sa Dios lumayo tayo!
—¿Bakit akó lálayô? Bukas ay hindi na siya!
Nápakalaking lungkot ang taglay ng mga pangungusap
na iyon, na, nalimot sandali ni Basilio ang kaniyang sindák.
—¿Ibig mo bang mamatay? —ang tanong.
tuloy sa pag-
tingin.
Muling tinangkâ ni Basilio ang siya'y kaladkarín.
—i Isagani, Isagani, pakingan mo akó, huwag tayong
mag-aksayá ng panahón! Ang bahay na iyan ay punô
ng pulbura, sasabog na, dahil sa isang kapangahasan, sa
isang pagsisiyasat...... Isagani ang lahat ay mamámatáy
sa ilalim ng kaniyáng duróg na labí.
—¿Sa kaniyang labi?-ang ulit ni Isagani na inuunawà
mandín ang ibig turan, nguni't hindi rin inilalayo sa duru-
ngawan ang tingin.
—Oo, sa ilalim ng kaniyáng labí, oo, Isagani alang-
alang sa Dios, halika! saka ko na isásalaysay sa iyó, ha-
lika! isáng lalo pang sawî kay sa ating dalawa ang huma-
tol sa kanila.... Nákikita mo ang ilaw na puting iyán,
maliwanag, na waring ilaw elektriko, na nanggagaling sa azotea?
Iyan ang ilaw ng kamatayan! Isáng lámpara na may la-
máng dinamita, sa isang kakainang may baóng pulbura...
púputók at walang makaliligtás na buháy ni isang dagâ
man lamang, halika!
—¡Huwág! ang sagot ni Isagani na iniiling na malung-
kót ang ulo-ibig kong lumagi rito, ibig ko siyang makita
pang muli na bilang pahimakás.... bukas ay ibá na!
—Masunod ang natatakla!--ang bulalás ni Basilio nang
mákita ang gayon at matuling lumayo.
Nakita ni Isagani na ang kaniyang kaibigan ay matu-
ling lumalayo na taglay ang pagmamadaling nagpapakilala
ng tunay na takot at nagpatuloy din nang pagtingin sa naka-
aakit na mga bintanà, gaya ng caballero de Toggenburg na
nag-aantay na dumungaw ang iniibig, na sinabi ni Schiller.
Nang mga sandaling yaon ay walang tao sa salas; ang
lahát ay tumungo sa mga kakainán. Náisip ni Isagani na
mangyayaring may katunayan ang ikinatatakot ni Basilio.