- —324—
na hahapunan ng General. Si Simoun ay nawalang sinu-
sundán ng maraming humahanğà.
Nang mga katangitanging sandaling iyon ay nagtagumpay
ang kaniyang magandang pusò, linimot ang lahat ng kani-
yáng pagtataním, linimot si Huli, tinangkang iligtas ang
mga walang sala, at humandâ, mangyari na ang mangyayari,
tinawid ang daán at nagtangkang pumasok. Nguni't nalimot
ni Basilio na nápakadukha ang kaniyang suot; pinigil siya.
ng bantay-pintô, at nang makita ang kaniyang pagpupumilit
ay binantaan siyáng tatawag ng dalawang Veterana.
Nang mga sandaling iyon ay pumapanaog si Simoun na
namumutla nang kaunti. Binayàan ng bantay si Basilio
upang yumuko sa mag-aalahás na wari'y nagdaan ang isáng
santó. Nahalata ni Basilio sa anyó ng mukha na lilisa-
nin nang pátuluyan ang sawing bahay na iyon at ang làm-
para ay may ilaw na. Alea jacta est. Dalá ng pag-iingat
sa sarili, ay naisip ang lumigtás. Maaaring masumpungan
ng kahit sino na galawin ang ilawán, alisin ang timtím at
sa gayon ay puputók at ang lahat ay matatabunan. Nadi-
ngig pa si Simoun na nagsabi sa kotsero na:
—iSa Escolta, tulinan mo!
Gulilát at sa takot na madingig ang kakilákilabot na
putók, ay lumayo si Basilio nang boông tulin sa sawing poók
na iyón: sa wari niya'y wala ang liksíng kailangan ng ka-
niyáng mga hità, ang kaniyang mga paa'y nádudulás sa mğa
bangketa na waring lumalakad at hindi kumikilos, ang mga
taong nakakasalubong ay humáhadláng sa kaniyang lakad.
at bago makadalawang pung hakbang ay waring hindi lamang
limáng minuto na ang nakaraán. Sa malayo layo'y natagpuan
ang isang binatàng nakatayo, na ang ulo'y nakataás, nakatitig
sa bahay. Nakilala ni Basilio si Isagani.
—¿Ano ang ginagawa mo rito?-ang tanong. —¡ Halika!
Tiningnan siya ng malamlám na tingin ni Isagani, ngumiti
nang malungkót at muling tumingin sa mga bukás na duru-
ngawán, na sa puwang nila'y natatanaw ang maputing anyô
ng binibining ikinasál, na nakapigil sa bisig ng naging asawa,
na dahandahang lumalayo.
—Halika, Isagani! Lumayo tayo sa bahay na iyan, ha-
lika! —ang sabi ni Basilio na ang boses ay paós at piniglán
sa bisig ang kausap.