- —323—
nagkakaroon ng anyông nakapangingilabot na nalilibid ng
lagábláb. Sa tabi ng hagdán ay tumigil si Simoun na wa-
rì'y nag-aalinlangan; si Basilio'y hindi humihingá. Ang pag-
aalinlangan ay hindi nagluwát: itinaás ni Simoun ang ka-
niyang ulo, patuloy na umakyát sa hagdanan at nawala.
Sa warì ng nag-aaral ay sasabog na ang bahay at ang
mga dingding, mğa lámpara, mga panaohin, bubungán, mğa
durungawan, orkesta, ay umíilandáng sa hangin na waring
isáng dakót na baga sa gitna ng isang kasindáksindák na
putók; tumingin sa kaniyang paligid at inakalang ang mga
nanonood na nároon ay pawang bangkay; nakikita niyáng
luráyluray, sa wari niya'y napúpuno ng apoy ang hangin,
nguni't ang kalamigang loob ng kaniyang pagkukurò ay na-
nagumpay sa pag-uulap na iyong dumaán na tinulungan ng
gutom, at aniyá sa sarili:
—Samantalang hindi pumápanaog, ay walang panganib.
Hindi pa dumáratíng ang Capitán General!
At pinilit na mag-anyo siyang panatag at pinipigil ang
pangangaykay ng kaniyang mga paa, at tinangkang mali-
báng sa pag-iisip ng ukol sa ibang bagay. Mayroong wari'y
kumúkutya sa kaniyá sa sariling kalooban at sinasabi sa
kaniyáng:
—Kung nanginginig ka ngayóng hindi pa sumasapit ang
sandaling takda anó ang aasalin mo kapag iyong nakitang
bumábaha ang dugo, nag-aalab ang mga bahay at sumása-
gitsit ang mga punlô!
Dumating ang General, nguni't hindi siyá nápuná ng
binatà; minámataan ang mukha ni Simoun na isá sa mğa
pumanaog upang sumalubong, at nakilala niya sa walang
awang anyong iyon ang hatol na kamatayan sa lahat ng
taong naroon, at sa gayon ay pumasok sa kaniyá ang muling pag-
kasindák. Siya'y nanglamig, sumandíg sa pader ng bahay,
at nakatitig sa mga durungawan at tinalasan ang mga pang-
dingig, tinangkang hulaan ang mangyayari. Nakita sa sa-
las ang maraming taong nakaligid kay Simoun at pinag-
mamasdan ang lámpara; nakádingíg ng mga maliligayang bati,
mga bulalás na paghangà; ang mga salitang "comedor extreno">
ay náulit-ulit: nákitang ngumiti ang General at kinurokuro
niyang sa gabing iyón gagawin ang unang paggamit, alinsu-
nod sa itinakda ng mag-aalahás, at tunay ngâng sa dulang