- —322—
—¡Anák ko! di bigyan mo akó ng mga panabing na tig
lalabing dalawang piso ang isang bara at tingnan mo kung
isusuot ko ang mga basahang itó! —ang pakli ng namuhing
diosa; —Jesús! saka ka na magsalita kapag nagkaroon ka
nang magarang sinundán!
Samantala'y si Basilio, na nasa tapát ng bahay, ay kaha-
lobilo ng mga nanonood, at binibilang ang mga taong puma-
panaog sa mga karuahe. Nang makita ang gayong karaming
taong masasaya at tiwalà, nang makita ang dalawang bagong
kasál, na sinusundán ng mga kaangay niyang mga dala-
ginding na mga walang malay at walang agam-agam, at
naisip na matatagpuán doón ang kakilakilabot na kamatayan, ay
naawà siya at náramdamang nagbawa ang kaniyang galit.
Nagtaglay siyá ng nasàng iligtas ang gayóng karaming
mga walang sala, inisip na sumulat at magbigay alám sa
mga may kapangyarihan; nguni't dumating ang isang karuahe
at nagsibabâ si P. Salvi at si P. Irene, na kapuwa may kasiya-
hang loób, at waring ulap na dumaán, ay napawi ang kani-
yang mabubuting hangád.
—Ano ang mayroon sa akin?-aniyá sa sarili-imagbayad.
ang mabubuti na kasama ng masasama!
At idinagdág pagkatapos upang panahimikin ang kaniyáng
mga pagkabalisa:
—Hindi ako manunuplóng, hindi ko dapat pangahasán
ang pagtitiwala sa akin. Ang utang ko sa kaniya ay higít
kay sa lahát nang iyan; siya ang humukay ng pinaglibi-
ngán sa aking iná; ang mga taong iyan ang pumatay! ¿Anó
ang mayroón nila sa akin? Ginawa ko ang lahat upang
maging mabuti, magkaroon ng halagá; pinagsikapan ko ang
lumimot at magpatawad; tiniís ko ang lahat ng pataw at
wala akong hiningi kundi ang bayàan lamang akóng máti-
wasáy! Ako'y hindi nakasasagabal sa kanino man.... ¿Anó
ang ginawa sa akin? ¡Umilan dáng sa hangin ang kanilang
luray na katawán! Labis na ang tiniís namin!
Pagkatapos ay nakitang pumasok si Simoun na dalá sa ka-
máy ang kakilakilabot na lámpara, nakitang binagtás na dahan-
dahan ang silong, ang ulo'y nakatungó at waring nag-fisíp.
Naramdaman ni Basilio na ang kaniyang puso'y tumitibok ng
mahinàngmahinà, na ang kaniyang mga paá't kamay ay
nanglálamíg at ang maitím na anino ng mag-aalahas ay