- —321—
Dios ay tuwid na tuwid na umakyat sa hagdanang may
saping alpombra.
Ang katigasan ng anyo ng General ay hindi gawa-gawa
lamang marahil noon lamang siyá nagdamdám lungkót, sa-
pól nang dumating sa Pilipinas; munting pighati ang nama-
mahay sa kaniyang dilidili. Yaón ang huling tagumpay, sa
kaniyang tatlong taong paghahari, at sa loob ng dalawang
araw, ay iiwan na niya ang gayóng kataás na kalagayan.
¿Anó ang iiwan sa kaniyang likurán? IIindi ibinabaling ng
General ang kaniyang ulo at ibig pa niya ang tumanáw sa
hináharáp, sa dáratíng! Dadalhin niya ang isang kayama-
nan, malalaking halagang nálalagay sa mga Banko sa Eu-
ropa ang nag-áantáy sa kaniyá, mayroón siyáng mga hotel,
nguni't marami siyang sinaktán, marami siyáng kalaban sa
Corte, ináantáy siyá roon ng mataás na kawaní! Ang ibang
general ay yumamang madali na gaya niya at ngayo'y mga
hiráp na hiráp. ¿Bakit hindi siya magpalumagák ng kaunti
pang panahon na gaya ng payo ni Simoun? Hindi, bago
ang lahat ay ang kahihiyán muna. Sa isang dako'y hind
na lubhang payuko ang mga bati sa kaniyá na gaya ng dati;
nakápupuná siyá ng mga tinging patitig, at pagkainíp; at
sinasagot niyang magiliw at tinatangkâ niyáng ngumiti.
—¡Napagkikilalang papalubog na ang araw!-ang bulóng
ni P. Irene, sa tainga ni Ben-Zayb,-imarami na ang tumi-
titig sa kaniyá ng haráp harapan!
¡Putris na kura! yaón pa namán sana ang kaniyang
sásabihin.
—Inéng-ang bulong sa tainga ng kalapit ng babaing
nagpanganláng fantoche kay D. Timoteo-¿Nakita mo ba kung
ano ang saya?
—Uy! ang mga tabing sa palasyo!
—¡Hantáy! at siya nga palá! Dádalhing lahat kung
gayón. Tingnan mo't pag hindi ginawâng abrigo ang mga al-
pombra!
—¡Ang gayo'y walang ibang ipinakikilala kundi may
katalinuhan at mabuting mamili!-ang pakli ng asawa na
kinagalitan ang kabiyak niya sa pamag-itan ng isáng tingin,
ang mga babai'y dapat maging masinop!
Dináramdám pa ng kaawàawàng dios ang siningil ng
modista.
- 21