Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/326

From Wikisource
This page has been proofread.
—320—


mangyari, uupô't titindig, hindi nádidinğíg ang sa kaniya'y
sinasabi, hindi masabi ang ibig sabihin. At samantala'y isang
malulugding dios ang nagsabi sa kaniyá ng ilang punáng ukol
sa mga cromo, ná tinútuligsâ't sinasabing nakadudungis sa
mga dingding.

—¡Nakadudungis sa mga dingding! —ang ulit ni D. Ti-
moteo na nakangiti nguni't ngalingalíng labnutín.
sasalita: —datapuwa'y yari iyan sa Europa at siyang mga
pinakamabál na natagpuan ko sa Maynilà! ¡Nakadudungis
sa mga dingding!

At isinúsumpa sa sarili ni D. .Timoteo na kinabukasan
ay ipasisingil ang lahát ng utang ng manunuligsâ sa tinda-
han niya.

Nakádingíg ng mga pasuwit, takbuhan ng mga kabayo,
dumating dín!

—Ang General! —¡ Ang Capitan General!
Namumutla sa pagkagulumihanan, ay tumindíg si D. Timo-
teo na di ipinahahalatâ ang sakit ng kaniyáng mga kalyo, at ka-
sama ng kaniyang anák at ilang malalaking dios, ay pumanaog
upang salubungin ang Magnum Joven. Nawala ang sakit ng ka-
niyáng baywang dahil sa pag-aalinlangang pumasok sa kani-
yang kalooban dapat siyang ngumiti ó magpakita ng muk-
hang walang katawatawa? ¿dapat niyang iabót ang kaniyang
kamáy ó antabayanang iabót sa kaniya ang sa General?
¡Putris! bakit kaya hindi niya naalaala ang ukol sa bagay.
na iyon at nang naitanong sana sa kaibigan niyang si
Simoun? Upang huwag mápuná ang kaniyang pagkagulumi-
hanan ay itinanóng nang marahan at sira ang boses sa ka-
niyang anák:

—¿Naghanda ka ba ng talumpatì?

—Hindi na ginagamit ang mga talumpati, tatay, at dito
ay lalò pa!

Dumating si Jupiter na kasama si Juno, na wari'y isáng
kastilyong sususuhan: may brillante sa ulo, may brillante
sa liig, sa mga bisig, mga balikat. sa boông katawán! Ang
suot ay isang mainam na kagayakang sutlâ; mahabà ang cola, na
may burdáng bulaklak na namumukód sa ibabaw.

Tunay ngang inari ng General ang kaniyang bahay, gaya
ng ipinamanhik na húbulóngbulóng ni D. Timoteo. Ang
orkesta ay tumugtog ng marcha real at ang mag-asawang