Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/325

From Wikisource
This page has been proofread.
—319—


wala na ang gayong ayos at palihím na nagtutumbukan,
tampalan sa tiyán at ang ilán ay umabot sa pagkuku-
tusan. Tunay ngang ang ilan ay umaayos ng anyông
pagwawalang bahalà upang ipakilala na sila'y dagí sa mğa
bagay na higit pa sa roón, at sadya ngâng gayón!
May diosa na naghikáb dahil sa ang lahat nang iyón,
sa palagay niya, ay tiwali at sinabing may gazuza; isá pa'y
nagalit sa kaniyang dios, ikinumpay ang kamay upang tam-
palín. Si D. Timoteo ay payukôyuko sa lahát ng pook; nag-
tatapon ng isang ngiti, igagalaw ang baywang, uurong, bi-
bigay ng kalahating ikit, boong ikit, ibp., kaya't ang isá
pang diosa ay nakapagsabi tuloy sa kaniyang kalapit, sa tu-
long ng pagkákanlóng sa pamaypáy, na:

Chica, que filadelfio está el tio! Mia que paese un
fantoche.

Pagkatapos ay dumating ang mga bagong kasál, na
kaakbáy si aling Victorina at ang lahat ng kaangay. Mğa
maligayang bati, kámayan, mğa tapík na waring pag-aam-
pón sa lalaking bagong kasál, mga tinging patitíg, malansá,
masuri ng mga lalaki sa binibining bagong kasál; sa dako
ng mga babai ay pagsisiyasat ng kagayakan, ng hiyás, pag
taya ng lakás, ng buti ng katawán, ibp.

—¡Si Psiquis at si Cupido na dumating sa Olimpo! —ang
binuko sa sarili ni Ben-Zayb at itinalâ niyang mabuti sa
pag-iisip ang pag-aanyo upang bitiwan sa laòng katampatang
sandali.

Ang lalaking bagong kasál nga'y may taglay ng muk-
hâng palabirô ng dios ng pag-ibig, at kung ipagpapauman-
hin ng kaunti ay mapagkákamalang lalagyan ng panà ang
kaniyang kakubàang napakaumbók, na hindi maikanlong sa
suot niyang frac.

Si D. Timoteo ay nagdáramdam na ng pananakit ng
baywang, ang mga kalyo ng kaniyang paa ay untîunting
nananakit, ang kaniyang liig ay nangangawit at iwala pa ang
Capitán General! Ang mga malalaking dioses, na sa kanila'y
kabilang si P. Irene at si P. Salvi, ay nangagsidating na ngâ nguni't wala pa ang malaking kulóg. Hindi siya mápalagay,
nanganganib, ang kaniyang puso'y tumitibók nang malakás, sinu-
sumpóng siya ng isáng kailangan, nguni't dapat munang unahin
ang pagbati, pagnğiti, at pagkatapos ay paparoon, nguni't hindi