Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/324

From Wikisource
This page has been proofread.
—318—


ng suhà at astisena. Sa harap nang gayóng karinğalan at
karaming bulaklak ay papasok sa guníguni ng kahit sino,
na mga niufa na madalang ang damit at mga kupidong
maliliit, na ang pakpak ay makulay, ang siyang magdudulot
ng mga alak at pagkain ng mga dioses sa mga panaohing
taga alapaap, na sinasaliwán ng mga kudyapi at alpá ng
mga taga Eolia.

Gayón man, ang dulang na ukol sa malalaking dioses,
ay wala roón, nálalagay sa gitna ng malapad na asotea,
sa isang magandáng kiosko, na sadyang niyaring ukol doon.
Isáng persianang kahoy na ginintuan, na kinákapitan ng mga
punong gumagapang, ang nagkakanlóng ng pinakaloob sa ma-
las ng madlá, nguni't hindi nakapipigil sa paglalabás puma-
sok ng hangin, upang mapalagi ang masarap na simoy na
kailangan. Isáng mataás na tuntungan ang pinagpatungan ng
mesa upang tumaás kay sa ibáng dulang na kakanan ng mga tao
lamang, at isáng bubóng, na pinalamutihan ng lalong mabubu-
ting artista, ang magsasanggalang sa mga tuktók hari sa
mga may inggit na tanáw ng mga bituin.

Doo'y wala kun di pípitóng cubiertos; ang mga kagami-
tán ay pawàng pilak, ang mga mantel at serbilyeta ay ma-
nipis na lino, ang mga alak ay yaóng lalong pinakamahál
at masaráp. Hinanap ni D. Timoteo ang lalòng bibihirà at
mahalaga at hindi siyá marahil nag-alinlangang gumawa ng
isáng kabuktután kung nasabi sa kaniyang ang General ay
maibiging kumain ng laman ng tao.

XXXV.
ANG PISTÁ
"Danzar sobre un volcán."

Nang iká pitó ng gabi'y nagdatingdatingan na ang mga
inangyayahan: una, ang mga mumunting diosdiosan, mğa
kawaning may mababang katungkulan, mga pangulo sa ka-
gawarán, mga mángangalakal, at ibp., na taglay ang mga
pagbating lubós na magalang at ang mga kilos na tuwid na
tuwid, sa mga unang sandali, na waring noún lamang na-
tutuhan ang gayong karaming ilaw, tabing at mga kristal
ay nakapagpapanganingani ng kaunti. Pakatapos ay nawa-