- —317—
ang mga salón sa Europa, at kahi't ang daling ay makintab na
makintab at malalapad ang tablá, ay dapat ding magkaroon
ng alpombra ang kaniyang salas, sapagka't hindi mangyayaring
hindi magkagayon! Ang maiinam na silleria ni kapitang Tiago
ay nawala, siya'y napalitán ng ayos Luis XV, malalaking
tabing na tersiopelong pulá na may burdáng ginto, may
letra ng pangalan ng mga ikinasál, at napipiglán ng tinuhog na
bulaklak ng suhàng huwad, ang nangakasabit sa nga portiers at
nagwawasiwas sa sahig ng kanilang malapad na laylayang gintô
rin. Sa mga sulok ay may malalaking pasông yari sa Japón na
násasalít sa mga gawa sa Sevres, na kulay bughaw na malinis, na
nangalalagay sa mga pedestal na kahoy na may lilok. Ang
tanging wala sa ayos ay ang mga matitingkad na cromo -na
ipinalit ni D. Timoteo sa mga dating grabado at mga la-
ng santó ni kapitang Tiago. Hindi siya nahikayat
ni Simoun; ayaw ng mga cuadrong óleo ang mangangalakal,
baka may maghinalàng gawa ng mga artistang pilipino.....
isiya ay magbigay buhay sa mga artistang pilipino, iyan ang
hindi mangyayari kailan man! sa gayo'y mahahalò ang ka-
niyáng katiwasayán at marahil ay sampû ng buhay, at alám
niya kung papano ang pamamangkâ sa Pilipinas! Tunay
nga't nakádingíg siya ng pag-uusap na ukol sa mga artis-
tang taga ibáng lupà na gaya nina Rafael, Murillo, Veláz-
quez, nguni't hindi niya maísip kung papano ang gagawing
pakikipagalám sa mga taong yaón, at saka ang isa pa'y
bakâ manĝagsilabás na may laban sa pamahalaan.....
Sa cromo ay wala siyang inaalaalang anomán, hindi gawâng
pilipino, mura pa, gayon din ang anyo, kundi lalong ma-
buti, ang mga kulay ay lalong makikináng at mabuti ang
pagkakayari! Alám ni D. Timoteo kung papano ang dapat
ugaliin sa Pilipinas!
Ang malaking caida, na nahiyasán ng mga bulaklák, ay
siyang naging kakainán, isáng malaking dulang na sukat sa
tatlong pů katao ang nasa gitnâ, at sa mga paligid, náta-
tabí sa mga pader, ay may ilang maliliit na sukat sa da-
lawá ó tatló katao. Mga kumpól na bulaklák, mga buntón
ng bungang kahoy na kahalò ng mga sintás at ilaw
siyang namumuno sa gitna ng mga dulang. Ang pinggán
ng ikinasál na lalaki ay may tandang isang kumpol na ale.
handría, ang sa babai ay isá namáng kumpol na bulaklak