Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/322

From Wikisource
This page has been proofread.
—316—


loague ay siyang pangyayarihan, ay doon tumungo ang bi-
natà, na nagmadali't nagpánna sa mga karuahe. Tunay ngà,
ang lahat ay tungo sa dating bahay ni kapitang Tiago: doon
nagkakatipong ang hanap ay isáng sáyawan upang magsiikot
sa hangin! Nátawá si Basilio nang makita ang mga Guardia
Veterana na nangag-aayos doon. Dahil sa kanilang dami ay
mahuhulaan ang kahalagahan ng pistá at ng mga panaohin.
Siksikan ang tao sa bahay, ang liwanag ay tumatapon sa
kaniyang mga darungawán: ang silong ay nakakalatan ng
alpombra at puno ng bulaklák; sa itaás, marahil ay sa ka-
niyang ulila at dating silid, tumútugtóg ang orkesta ng ma-
sasayang tugtugin, na hindi naman nakatatakip na lubós sa
magusót na alingawngaw ng tawanan, salitaan at halakha-
kan.

Si D. Timoteo Pelaez ay umaabot sa tugatog ng kapa-
laran, nguni't ang mga nakikitang iyon ay higit sa kaniyang
mga pinangarap. Naipakasál din ang kaniyáng anák sa isáng
binibining magmamana sa mğa Gómez, at salamat sa salaping
ipinautang sa kaniyá ni Simoun, ay nabilí niya ang bahay na
iyon sa kalahati ng halagá, doon niya ginawa ang pistá, at ang
mga pinakamalalaking diosdiosan ng Olimpo sa Maynila ay
kaniyang magiging panaohin, upang sapuhín siya sa kináng
ng kanilang mga karangalan. Sapol sa umaga ay masidhing
pumapasok sa kaniyang kalooban, na wari'y isang karaniwang
awit, ang isang malabong sambít na nábasa sa kaniyáng mga
pakikinabang: "¡Sumapit na ang oras na mapalad! Luma-
pít na ang sandaling maligaya! Matutupad nang madali sa
iyó ang mga kahangahanğàng salitâ ni Simoun: Buháy akó,
nguni't hindi akó kundi ang Capitán General ang nabubuhay
sa akin, at ibp." Ang Capitán General ay ináama ng kani-
yáng anák! Tunay nga't hindi kaharáp sa kasál, kinatawán
siya ni D. Custodio, nguni't páparoong hahapon, at magdadalá
ng isáng handog sa ikinasál, isáng lámpara na kahit ang
kay Aladin ay hindi makapapantay.... —sa lihim-si Simount
ang nagbigay ng lámpara. Timoteo ¿anó pa ang ibig mo?

Ang pagkakabago ng bahay ni kapitáng Tiago ay lubhang
malakí; diniktán ng mga bagong papel na maiinam; ang usok at
amóy ng apian ay nawala. Ang malaking salas na lalong pinalu-
luwang ng malalaking salamin na nakapagpaparami pa sa mga
ilaw ng mga araña, ay nalalatagan ng alpombra: may alpombra