- —315—
hanay ng mga sasakyán na puno ng babai't lalaking kagi-
noohan na nangagsasalitaan: waring nakakita siya sa loob
ng malalaking kumpol ng bulaklák, nguni't hindi niya pi-
nuná ang bagay na iyon. Ang mga karuahe ay patungo sa
daang Rosario, at sa dahiláng násagupà sa mga nanggagaling
namán sa tulay ng España, ay nangáhihintông madalás at
dahandahan ang lakad. Sa isang sasakyán ay nakita si Jua-
nito Pelaez sa piling ng isang babai na puti ang bihis at may
talukbong na madalang: nákilala niyang iyon ay si Paulita
Gomez.
–¡Si Paulita! ang bulalás na pamangha.
At nang makitang tunay ngâng siyá, gayák ikinasal, na
kasama si Juanito Pelaez, na waring nangagsipanggaling sa
simbahan.
–¡Kaawàawang Isagani!-ang bulóng-banó kaya ang
nangyari sa kaniyá?
Inalalang ilang sumandalf ang kaniyang kaibigan, ká-
luluwang dakilà, mahabagin, at itinanóng sa sarili niya kung
hindi kaya mabuting balitaan ng balak, nguni't sinagót din
niya ang sarili, na si Isagani ay hindi makikialam magpakailan
man sa gayong patayan.... Hindi inasal kay Isagani ang
ginawa sa kaniya.
Pagkatapos ay naisip na kung hindi sa pagkakabilanggo,
sa mga oras na iyon, siya'y ikinakasal ó may asawa na,
licenciado sa Medicina, namumuhay at nanggagamót sa isáng
sulok ng kaniyang lalawigan. Ang larawan ni Huli, na lu-
rayluray dahil sa pagkakalagpák, ay nagdaán sa kaniyáng
pag-iisip mga maitim na lagabláb ng pagtataním ang nag-
apóy sa kaniyang balintatáw. at muling hinimas ang puluhán
ng rebolber na dináramdám ang hindi pa pagsapit ng kaki-
lakilabot na sandali. Sa gayo'y nakita si Simoun na lu-
mabás sa pinto ng kaniyang bahay na taglay ang sisidlán
ng lámpara, na nababalot nang boông ingat, lumulan sa
isáng sasakyang nakisunód sa hanay ng mga umaabay sa
mga bagong kasál. Upang huwag maligtaan ni Basilio si
Simoun ay kinilala ang kotsero, at namangha siya ng má.
kilala na iyon ay ang kaawàawàng naghatid sa kaniya sa
S. Diego, si Sinong, ang binugbog ng Guardia Civil, iyón
ding nagbabalità sa kaniyá sa bilangguan ng lahát ng nang-
yayari sa Tiani. Sa pagkukuròkurò niya na ang daang An-