- —314—
- XXXIV
- ANG KASÁL
Nang nasa sa daán na si Basilio ay iniisip kung anó
ang kaniyang magagawa hanggang sa sumapit ang kalagím
lagím na sandali; mag-iika pitó pa lamang. Panahon niyon nang
pamamahingá sa pag-aaral at ang mga nag-aaral ay nasa sa
kaníkanilang bayan. Si Isagani ang tanging hindi umuuwi,
nguni't nawalâ inulâ ng umagang iyon at hindi maalaman
kung saan naroroon. Itó ang sinabi kay Basilio, ng maka-
panggaling sa bilangguan at dinalaw ang kaniyang kaibigan
upang makituloy. Hindi maalaman ni Basilio kung saan siya
páparoon, wala siyang kualta, wala siyang anoman, liban
na lamang sa robolber. Ang pagkaalaala sa lámpara ang
siyáng gumiit sa kaniyang pag-iisip: sa loob ng dalawang oras
mangyayari ang malaking sakuna at, kung maalaala ang gayón,
sa wari niya'y pawàng walang ulo ang mga lalaking nag-
dadaán sa kaniyang harapán: nagdamdám siya ng isang
mabangis na katuwàaa sa pagsasabi sa sarili, na kahì't gayóng
dayukdók sa gabing iyon ay magigin siyang kakilakilabot,
na kahit galing sa pagka nag-aaral at alià at alià marahil ay
makita siya ng araw na kasindáksindák at kalagimlagím, na
nakatayo sa ibabaw ng buntón ng mga bangkáy, nagla-
lagda ng mga kautusán doon sa mga nagdadaang nakalulan
sa kanilang maiinam na sasakyán. Humalakhák na wari'y
isang napakasama, at kinapa ang puluhán ng rebolber: ang
mga kaha ng punglô ay nasa sa kaniyang mga bulsá,
Bumukó sa kaniyang loob ang isang katanungan ¿saan mag.
sisimula ang patayan? Sa kaniyang kalituhán ay hindi niya
naisip ang itanóng kay Simoun, nguni't sinabi sa kaniyá
ni Simoun na lumayo sa daang Anloague
Nang magkagayo'y nagkaroon siya ng isang hinalà; nang
kinahapunang iyon, ng siya'y lumabas sa bilangguan, ay tu-
mungo siya sa dating bahay ni kapitáng Tiago, upang hana-
pin ang kaniyang kaunting kasangkapan, at nátagpuan niyang
ibá ang anyo at laan sa isang pistá: yaon ang kasal ni
Juanito Pelaez!
May sinabing isang pistá si Simoun.
Nákitang nagdaan sa harapán niya ang isang mahabang