Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/319

From Wikisource
This page has been proofread.
—313—


—ang pangiting sagot ni Simoun. —Ang Europa ay pumagak-
pák nang ang mga bansâ sa kanluran ay pumatay ng anğaw
angaw na indio sa Amérika, at hindi pa upang makapagta-
tag ng mga bansang lalong may mabubuting hilig ni lalòng
matahimik; nariyan ang Hilagà, na may taglay na kalayaang
sinasarili, may batás ni Lynch, may mğa dayà sa politika; naiyan
ang Timog na may mga walang katahimikang republika, may
mga himagsikan ng magkababayan, mga pagbabangon, gaya
ng nangyari sa kaniyang ináng España! Ang Europa ay pu-
magakpák ng hubarán ng Portugal ang mga pulông Molukas,
pumagak pák ng pugnawin ng makapangyarihang Inglaterra
ang mga liping likás sa Pasípiko upang ilagay ang sa kani-
yang mga taong naglilipat bayan. Ang Europa ay papagak-
pák nang gaya ng pagakpák sa pagtatapos ng isang drama, så
pagkatapos ng isang tragedia: hindi lubhang pinapansin ng
madla ang pinakalayon, ang tinitignan lamang ay ang ipina-
mamalas na mainam sa matá! Gawing maayos ang kabuk-
tután at hahangaan at magkakaroon pa nang higit na kampí
kay sa mga gawang kabutihan, na ginanap sa paraang ma-
banayad at kimi.

—Siya nga, ang paklí ng binatà, at saka anóng may-
roon sa akin ang pumagakpák man ó pumulà, kung ang
mundong iyan ay hindi nababalino ng dahil sa mga sini-
siil, sa mga maralita't sa mga babai? ¿Anóng ipagpipitagan
kó sa kalipunan sa siya'y hindi nagtataglay ng gayón sa
akin?

—Ganiyán ang ibig ko,-ang sabing matagumpay ng nag-
uudyók.

At kumuha ng isang rebolber sa isáng kahón, at iniabót
sa kaniyang ang sabi'y:

—Sa ika sampû ay antabayanan ninyó akó sa tapát ng
simbahan ng S. Sebastián upang tanggapin ang aking mga
huling bilin na dapat gawin. Ah! Sa ika siyam ay nára-
rapat kayóng málayo, lubhang malayò, sa daáng Anloague!

iniyasat ni Basilio ang armás, liuagyán ng punglô at.
itinagò sa kaniyang bulsáng pangloob ng amerikana. Nag-
paalam sa pamagitan ng isáng putól na —iHanggáng má-
mayâ!