- —312—
mga bangkáy, ay hindi dapat mag-uróng sulóng, hindi dapat mag-
alinlangan! &Anó ang sakít ng kamatayan? Ang sandaling pag-
kakaramdám, marahil ay walâng linaw, marahil ay masaráp gaya
ng sandaling pag-itan ng pag-aantók at nang paghimbing....
¿Anó ang mapapawi? Isáng kasamâán, isáng pagtitiis, mğa da-
móng unsiyami upang sa kanila'y ipalit na itaním ang ibang
sariwà! ¿Tatawagin bagá ninyong pag-utás ang gayón? Sa ganang
akin ay tatawagin kong paglík há, pagyari, pagpapaunlád,
pagbibigay buhay....
Ang gayong mga marurugong paghuhulòhulò na sinabi
sa loob ng boông pananalig at kalamigang loob, ay naka-
panglupaypay sa binatà, na ang pag-iisip ay ngalay na dahil
sa mahigit na tatlóng buwáng pagkakábilanggo at bulág sa
hangad na makapaghiganti, ay hindi na laan sa pagsuri nang
tinutungo ng mga bagay bagay. Sa lugal na isagot na
taong lalong masamâ ó matatakutín ay mahigit magpakailan
man sa damó, sapagka't may isáng káluluwa at isang pag-
fisip, na, kahi't mapakasama-sama at magpakaasal hayop,
ay mangyayaring mapabuti sa lugal na itugóng ang tao
ay walang karapatáng mamahalà sa buhay ng sino man
kapakinabangan ng kahit sino, at na ang karapatán sa buhay
ay taglay ng bawà't isá, gaya rin naman ng karapatán sa
kalayaan at sa kaliwanagan; sa lugal na ipinakling kung
kapaslangán man ng mga pamahalaan ang pagpaparusa sa
mga pagkukulang ó kasamaanggawâ, na kanilang pinag-
abuyan dahil sa kakulangan sa pag-iingat ó kamalian, gaano
pa kaya ang isang tao, kahit na nápakalákí at napaka-
sawi, na magpaparusa sa kaawàawàng bayan ng pagku-
kulang ng kaniyáng mga pamahalaan at mga ninunò; sa
lugal na sabihing ang Dios lamang ang tanging makagaga-
wa ng mga gayóng paraan, na ang Dios ay maaaring lumikha,
ang Dios ang may hawak ng gantíngpalà, ng walang katapusán
at ng kinabukasan upang mabigyáng katwiran ang kaniyang
mga gawa, nguni't ang tao'y hindi, magpakailan man! Sa lugál
ng mga pangangatwirang itó, ay walang inilaban si Basilio
kundi isang karaniwang puná:
—¡Anó ang sasabihin ng boong mundo sa harap ng ga-
yong pagpapapatay!
—Gaya ng karaniwan, ang mundo'y papagakpák, at bi-
bigyang katuwiran ang lalong malakás, ang lalong mabangis!