Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/317

From Wikisource
This page has been proofread.
—311—

mumuog kayó roon, háhandâng sumaklolo sa amin at patayin
ninyó, hindi lamang ang laban sa panghihimagsik, kungdi
ang lahat ng lalaking ayaw sumamang manandata!

—¡Ang lahat?-ang bulong ni Basilio na ang boses ay
mahina.

—¡Ang lahat! —ang ulit ni Simoun na ang boses ay ka-
sindáksindák, —ang lahát, indio, mestiso, insík, kastilà, ang
lahát ng mátagpuang walang tapang al lakás ng loob.....
kailangang baguhin ang lipi! Ang mga amáng duwag ay
walang iaanák kundi mga alipin, at walang kabuluhan ang
maggiba kung magtatayo rin, na, ang gagamitin ay mga bulók
na sangkap! Anó? nangingilabot kayo? ¿Nanginginig, na-
tatakot kayong magsabog ng kamatayan? ¿Anó ang kama-
tayan? ¿Anó ang kabuluhan ng pagkamatay ng dalawang
pung libong sawi? ¡Dalawángpung libong paghihirap na ma-
babawas at mga anġawangaw na dahóp ang máililigtás sapól
sa pinanggalingan! Ang lalong matatakutíng namamahalà ay
hindi nag-aalinlangan sa paglalagdâ ng isang kautusán, na na-
giging sanhi ng pagdadahóp at ng untiunting paghihingalô
ng libo at libong nasasakop, na masasagwâ, masisipag, ma-
rahil ay maliligaya, upang masunod lamang ang isang
nasà, ang isáng náiisip, ang pagmamataás: at kayo'y na-
ngingilabot sapagka't sa iisang gabí ay matatapos na
ang paghihirap ng budhi ng maraming duwag, sapag-
ka't ang isang bayang hindi kumikilos at náhilig sa masamâ
ay mamámatáy upang paraanin ang isang bago, batà, ma-
sipag, puno ng lakás? ¿Anó ang kamatayan? Isáng bagay
na walang kabuluhán ó isáng paghimbing! ¿Ang kaniyang
mga panagim pán bagá ay maipapantay sa katunayan ng
paghihirap ng lahát ng dustâng anak sa isang kapana-
hunan? Kailangang lipulin ang kasamâán, patayin ang dra-
gon upang ipaligo ang kaniyáng dugo sa bayang bago upang
gawin itong malusog at di madadaig! Ano pa ang di ma-
babaling batás ng kalikasán, batás ng pagtutunggali na ang
mahinà'y sápilitang madadaíg upang huwag mamalagi ang
liping masama at ang mga lumikha ay pumauróng? ¡Iwaksi nga
ang mga pagninilay babai! Maganap ang mga batás na walang
paglipas, tulungan natin siyá, at yayamang ang lupà ay lalò pang.
tumátaba kapag siya'y dinidilíg ng dugo, at ang mga trono ay la-
lòng nagtitibay kapag pinatitibayan ng mga pagkakasala at ng