- —310—
At nang makitang tinititigan siya ni Basilio ng tinging
nagtatanong at nanganganib, ay nagsabing:
—Mamayang gabi'y magkákaroon ng isáng pistá at ang
lámparang ito'y ilalagay sa gitna ng isáng kioskong kakainán
na sadya kong ipinagawa. Ang lámpara ay magbibigay ng isang
maningning na ilaw na sukat na siyang mag-isá upang magpali-
wanag sa lahát: nguni't pagkaraan ng dalawáng pung minuto ay
lalamlam ang ilaw, at sa gayón, kapag tinangkang itaas ang lam.
bal ay púputók ang isáng kapsulang fulminato de mercurio, ang
granada ay sasabog at kasabay niya ang kakainán na sa
hubóng at sahig ay kinanlungán ko ng mga bayóng ng pul-
bura upang walang makaligtas na sino man....
Nagkaroon ng sandaling pananahimik: pinagmamasdán
ni Simoun ang kaniyang aparato at si Basilio ay bahagya
nang humihingá.
—Kung gayon ay hindi na kailangan ang aking tu-
long, ang pakli ng binatà.
—Hindi, kayo'y may ibáng katungkulang gaganapín,—
ang sagot ni Simoung nagkukuròkurò, —sa iká siyám ay na-
kaputók na marahil ang makina at ang tunóg ay nádingíg na
sa mga kanugnóg na bayan, sa mga bundukin, sa mga yu-
ngíb. Ang kilusáng aking minunakala na kasabwát ang mga
artillero ay hindi nangyari sa kakulangan ng pamamahalà
at pagsasabáysabáy. Sa ngayo'y hindi na magkakagayón.
Pagkádingig ng putók, ang mga mahihirap, ang mga siní-
sifl, ang mga naglálagalág na inuusig ng kapangyarihan, ay
mangagsisilabás na may sandata at makikisama kay kabisang
Tales sa Santamesa upang lusubin ang siyudad; sa isang
dako namán, ang mga militar na pinaniwalà kong ang Ge-
neral ay nagpakanâ ng isang wari'y panghihimagsik upang
huwag umalís, ay lálabás sa kaniláng mga kuartel upang pa-
putukán ang sino mang iturò ko. Samantala namang ang
bayan, sindák, at sa pag-aakalang dumating na ang oras na
sila'y pagpúpupugután, ay magbabangong handâ sa pagpa-
pakamatay, at sa dahilang walang sandata at hindi silá
ayós, kayó, na kasama ang ilán pa, ay siyang mangulo sa
kaniyá at itungo ninyó sa tindahan ni insík Quiroga nal
pinagtaguan ko ng aking inga baril. Kami ni kabisang
Tales ay magtatagpo sa siyudad at ito'y aming kukunin,
at kayo sa mga arabal ay tatayo kayo sa mga tulay, mag-