- —309—
At nang maunawà na mandín ay nangalisag ang kani-
yáng mga buhok.
—Oo, nitro-glicerina! —ang dahandahang ulit ni Simoun
na taglay ang kaniyang malamlám na ngiti at malugód na
tinitingnan ang praskó; —itó'y higit pa kay sa nitro-glicerina!
Ito'y mga luhàng naipon, mga pagtataním na tinimpi, mga
kagagawang wala sa katwiran, at mga pag-apí! Itó ang da-
kilang katwiran ng mahinà, lakás laban sa lakás, bayóng
laban sa bayó.... Di pa nalalaong ako'y nag-aalinlangan,
nguni't kayo'y dumating at ako'y napapanibulos! Sa gabing
itó'y mangagsisiilandáng ang mga lalong mapanganib na ma-
niniíl, ang mga mániniíl na walang muwáng, ang mga nag-
kakanlong sa likod ng Dios at ng Pamahalaan, na ang ka-
niláng mğa pamamasláng ay hindi napaparusahan sapagka't
walang makausig sa kanilá! Sa gabing itó mádidingig ng
Pilipinas ang putók na dudurog sa walang wastong monu.
mento na pinadali ko ang pagkabulók!
Si Basilio ay uulíg-ulíg: ang kaniyáng mga labi'y gu-
mágalaw nang walang mapalabás na tunóg, nararamdaman ni-
yáng hindi maikilos ang kaniyang dilà, nanunuyo ang kani-
yáng ngalánĝalá. Noon lamang niya nakita ang marahás na
tubig na napagdidiuğíg niyang sinasabi, na wari'y tinigis sa
dilím ng mga mapapanglaw na tao, na lantád na kalaban
ng kalipunán. Ngayo'y nasa sa harap niyá, malinaw at
naníniláwnilaw, na ibinubuhos ng boông pag-iingat sa loob
ng mapanutong granada. Sa ganáng malas niya, waring si
Simoun ay yaóng genio sa Sanglibo't isang gabi na lumalabás
sa gitna ng dagat: nag-aanyông malakingmalaki, ang ulo'y
abot sa langit, pinasabog ang bahay at niyanig ang boông
siyudad sa isang galaw ng kaniyang likód, Ang
nag-aanyông isáng malaking esfera, at ang biták
kakilakilabot na ngisi, na nilalabasán ng apóy at lagabláb.
Noon lamang napadalá si Basilio sa katakutan at nawalang
lubós ang kaniyáng kalamigang loób.
Samantala nama'y itinotornilyo ni Simoun ang isang
katangitangi at pasalisalimuot na kasangkapan, inilagay ang tú-
bong bubog, ang bomba, at ang lahat ng iyon ay pinutungan ng
isang magaràng pantalya. Pagkatapos ay lumayo nang kaunti
upang tanawin ang anyo, pinakilingkiling ang ulo sa magkabika
bilang tagiliran upang lalong mataya ang ayos at kainaman.