- —308—
kamatayan sa gitna ng mga bangó at ginto, gawing asal
hayop ang may masasamang hilig, at pasamâín ó huwag pa-
kilusin ang ilang mabuti, at kayó namán ay sa dakong ibaba,
sa bayan, sa gitna ng kabinatàan, na gisingin ang buhay sa
gitna ng dugo at mga luhà! Ang ating gawa, sa lugal na
maging madugo at ganid, ay naging kahabagán sana, ayós,
anyông anyo, at ang tagumpay sana ay siyang naging dulo
ng ating pagsusumikap! Nguni't walang katalinuhang tumu-
long sa akin tákot at kahinàang loob ang natagpûán ko sa
mga may kabihasnán, pagkamapagsarili sa mayayaman, pag-
kamapaniwalà sa kabataan, at sa mga bundók lamang, sa
mga kaparangan, sa mga may mahihirap na kabuhayan lamang
natagpuan ko ang aking mga tao! Datapwâ'y walang kaila-
bgan kung hindi tayo makatapos ng isang ayos na lara-
wan, na makinis ang lahat ng kaniyang anyo, sa batóng ma-
gaspang na ating tatapyasín, ay ang mga súsunód na ang
siyang magsisiganáp.
At pinigilan sa bisig si Basilio, na nakikingíg nang hindi
nawawatasan ang kaniyang sinasabi, at dinalá siyá sa gawàan
na pinagtataguan ng kaniyáng mğa yaling ukol sa kímika.
Sa ibabaw ng isáng mesa ay may isang kahang maitím
na chagrin, na nahahawig sa mga pinagsisidlán ng mga ka-
sangkapang pilak na inihahandog sa kapwa ng mga ma-
yayaman at mğa harì. Binuksán ni Simoun at inilan-
tád, sa ibabaw ng rasong pulá, ang isáng lámpara na
katangitangi ang ayos. Ang sisidlán ay anyông isang gra-
nada, kasinglaki ng ulo ng tao, may kaunting biták, na
kinakakikitaan ng mga butil sa loób, na ginayahan ng ma
lalaking cornalina. Ang balát ay gintong nangitím at kuháng
kuhá sampu ang mga kilabot ng bungang kahoy.
Dahandahang kinuha ni Simoun, at matapos na maalís
ang ilawán, ay inilantad ang loob ng sisidlán: ang bao ay
patalím, na ang kapal ay mga dalawáng dalì, at maaaring
maglamán ng higit sa dalawang litro. Tinátanóng siyá sa
tingin ni Basilio: walang máwawàan sa bagay na iyón.
Hindi na nagsalisalita ay maingat na kinuha sa isang
tinggalan ang isang praskó at ipinakita sa binatà ang nasu-
sulat sa ibabaw.
—Nitro-glicerina! —ang bulóng ni Basilio na nápaurong
at inilayông bigla ang kamay. —¡itro-glicerina! Dinamita!