- —307—
—May apat na buwan na, ang dugtóng ni Basilio-na
kinausap ninyo ako nang ukol sa inyong mga balak; tumanggí
skóng makilahók, at masama ang nagawa ko; may katwiran
kayó. May tatlóng buwan na at kalahating kamuntik nang
bumugá ang panghihimageík; hindi ko rin inibig ang maki-
labók, at ang galawan ay nábakô. Ang kapalit ng aking
inasal ay ang mabilanggo at utang ko sa inyong pagsusu-
makit ang aking paglayà. May katwiran kayó, at naparito
akó ngayon upang sabihin sa inyó, na: bigyan ng sandata
ang aking kamay at bumugá na ang himagsikan! Laan
akóng paglinkarán kayong kasama ang tanang sawi!
Ang ulap na nagpapadilím sa noo ni Simoun ay biglang
napawi, isáng sinag ng pagtatagumpay ang kumináng sa ka-
niyáng paningin, at waring nátagpuan ang hinahanap, ay
bumulalás nang:
—¡May katwiran akó, oo, may katwiran akó! ang ka-
rapatán ay tagláy kó, ang matuwid ay nasa sa aking piling,
sapagka't ang itinatanggól ko'y ang mga sawi.... ¡Salamat,
binatà, salamát! Dumating kayó upang pawiin ang aking
mga pagaalinlangan, upang bakahin ang aking pag-uuróng-
sulóng....
Si Simoun ay tumindig at ang kaniyang mukha'y galák
na galák: ang silakbóng nag-uudyók sa kaniya nang, may
apat na buwan na, ipinahahayag kay Basilio ang kaniyáng
mga balak sa gubat ng kaniyáng nga ninunò, ay muling
namakás sa kaniyang mukha na wari'y isang mapuláng pag-
tatakipsilim, matapos ang isáng maghapong malamlám.
—Oo, ang patuloy, ang kilusán ay nábako at marami
ang lumayo sa akin sapagka't nakita akong lupaypay na
uuróngsulóng nang san laling kikilos na may itinago pa akó
sa aking puso, hindi ko supil ang lahát ng aking damdamin at
umiibig pa ako noon!.... Patay na ang lahat sa akin,
at wala ng bangkay na dapat kong igalang ang kaniyang pag-
himlay! Hindi na magkakaroon ng pag-uuróngsulong; ka-
yóng kayo na, binatàng huwaran, kalapating walang apdó,
ay nakakakilala ng pangangailangan, pumarito sa akin at
inuudyukán akó sa pagkilos! May kagabihán na nang buksán
ninyo ang inyong mga matá! Tayong dalawá sana'y naka-
pagbalangkas at nakagawa ng mga kahangahangàng balak:
ako'y sa itaás, sa mataás na lipunan, magsasabog ako ng