- —306—
Ang mga mapaghakà ng masama ay kumíkindát ng may
pakahulugan at nagsasabing:
—Kung pudpód na ang parang ay lilipat na sa ibang
dako ang balang.
Ang ilan lamang, kakaunti, ang nangagsisingitî't hindi
umíimík.
Nang kináhapunan ay iniutos ni Simoun sa kaniyang
alilà na kung darating ang isáng binatàng nagngangalang
Basilio, ay papasuking agad. Pagkatapos ay nagkulong sa ka-
niyang silid at waring nasadlák sa isang malalim.
kukurokurò. Mulâ't sapul noong magkasakit, ang mukha ng
mag-aalahás ay lalò pa mandíng tumigás at lalong pu-
manglaw, lumalim na mabuti ang guhit niya sa pag-itan ng
dalawang kilay. Waring nahukót ng kaunti; ang ulo'y
hindi na tayongtayo, náyuyuko. Lubháng nálululong sa ka-
niyáng pag-iisip na hindi tuloy nadingíg na may tumatawag
sa pintuan. Kinailangang ulitin ang katóg. Si Simoun ay
nangilabot:
—¡Tulóy! —aniya.
Ang dumating ay si Basilio, nguni't quantum mutatus!
Kung ang pagkakabago ng anyo ni Simoun sa loob ng dala-
wáng buwan ay malaki, ang sa binatà'y kakilakilabot. Ang ka-
niyáng mga pisuği'y hukáy, walang ayos ang bihis, gusót
ang buhok. Nawala ang matamis na kalamlamán sa kaniyang
mga paningin at ang nagniningning ay ang madilim na lagabláb;
masasabing siya'y namatay at ang kaniyang bangkay ay
muling nabuhay sa pagkasindák sa mga bagay na nakita sa
kabilang buhay. Kundi man ang gawang linsíl, ay ang ka-
kilákilabot na anino noon ang nakakalat sa boô niyáng tikas.
Si Simoun na ay nagulat pa at nagdamdám habág sa sawing
palad na iyon.
Si Basilio ay lumapit na dahandahan, na hindi na bumati,
at nagwikang ang tingig ay nakapagpakilabot sa mag-aala-
hás, na:
—Ginoong Simoun, ako'y naging masamang anak at
masamang kapatid: línimot ko ang pagkakapatay sa hulf
at ang pagpapahirap sa una, at pinarusahan akó ng Dios!
Ngayo'y wala na ako kungdi isáng nasà upang gantihín
ng sama ang samâ, ng linsíl ang linsíl, ng dagok ang dagok.
Tahimik siyáng pinakikinggán ni Simoun.