Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/311

From Wikisource
This page has been proofread.
—805—


Sinasabing si Simoun ang may kagagawan noon. Ang kasal ay
idadaos nang dalawang araw muna bago umalis ang General; pa-
pupurihan nitong dumalo sa bahay at maghahandog sa novio. Ku-
makalat ang alingawngaw na ang mag-aalahás ay magpapabahâ
ng brillante, magtatapon ng dakótdakót na perlas, alang-alang
sa anak ng kaniyang kasamá, at sa dahilang hindi siyá
makapagpistá dahil sa wala siyáng bahay na sarili at dahil sa
siya'y matandang bagong-tao, ay sasamantalahin ang pag-
kakataon upang biglaín ang bayang pilipino ng isáng dá-
ramdaming pagpapaalam. Ang boông Maynilà ay humáhandâ.
nang mapapaanyayahan: Kailán ma'y hindi pumasok ang
pagkagulumihanan sa mga budhi ng gayon kabagsík na gaya
ng hinalang baka dî máanyayahan. Nangag-úunahán sa
pakikipag-ibigang mabuti kay Simoun, at maraming lalaki,
ang sa pitit ng kanilang mga asawa, ang bumili ng mga
tanák at mga zinc upang maging kaibigan ni D. Timoteo
Pelaez.

XXXIII
ANG HULING MATUWID

Sumapit din ang araw.

Si Simoun, magmula sa umaga, ay hindi umalis sa ka-
niyang bahay, dahil sa pag-aayos ng kaniyang mga sandata
at mga hiyás. Ang kaniyang malaking kayamanan, ay nasa
sa loob na ng malaking takbáng patalim na may sapot na
lona. Kákaunting sisidlán na lamang na may mga galáng at
mga panusok ang nalalabí, marahil ay mga panghandóg
na kaniyang ipamímigáy. Aalís na nga siyáng kasama ng
Capitan General, na ayaw na ayaw palawigin ang pangha-
bawak sa katungkulan, dahil sa pangingilag sa sasabihin ng
tao. Ibinubulong ng mga malabigà na si Simoun ay ayaw
mangahás na maiwang mag-isá, na, kung mawalan ng pina-
nánanganan, ay ayaw na mapaghigantihán ng maraming pi-
nagtubùan at mga nasawi, at ang lalò pa mandíng malaking
sanhi ay ang pangyayaring ang General na darating, ay
kilalá sa pagka inay matuwid na hilig, at marahil-dahil ay
ipasauli sa kaniya ang lahat ng kinita. Sa isang dako na-
mán ay sinasapantahà ng mga mapamahiing indio na si
Simoun ay isang diablo na ayaw málayo sa kaniyáng huli.

20