Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/310

From Wikisource
This page has been proofread.
—304–


tungo niya sa Gobierno Civil. Gaya ng maáantáy, ang ma- níngning na si Paulita ay hindi na mangyayaring umibig sa isáng binatang lubhang maling mali sa pagkaunawà sa ka- lipunan at sinisisi ng lahát. Si Paulita ay nagsimula na ng pagkukurò kurò. Si Juanito ay matalas, maliksi, masayá, malikót, anák ng isang mayamang mángangalakal sa Maynilà, at may dugong kastilà pa, at kung paniniwalaan si D. Ti- moteo, ay tunay na tunay na dugong kastilá; samantalang si Isagani ay indiong taga lalawigan na nangangarap sa kani- yáng mga kagubatan na puno ng lintâ, ang kaanak ay malabò, may isang amafng klérigo na marahil ay kalaban ng pagmama- gara at ng mga sayawan, na kaniyang kinalulugdán. Isáng maganda ngâng umaga ay napaghulòhulò niya na malaking kahanğalán ang nagawa niyáng nápili pa si Isagani kay sa kaniyang kaagaw at mulâ na noon ay nápuná ang pagda- ragdag ng kakubàan ni Pelaez. Ang batas na natuklas ni Darwin ay ginaganap ni Paulita ng walang kamalaymalay, nguni't buôngbuô; ang babai'y napaaari sa lalaking lalong may kasanayán, sa marunong makibagay sa kalagayang ki- nabubuhayan, at upang mamuhay sa Maynila ay walang ma- kapapantay kay Pelaez, na sa pól pagkabatà ay nakatátalós na ng gawâng palikawlikaw.

Ang kurismá ay nakaraang kasama ang kaniyang mahál na araw, kasama ang kaak báy niyang mga prusisyon at mĝa ceremonias, na walang ibang kabaguhang nangyari kundi isáng mahiwagang pagkakaguló ng mga artillero, na ang sanhi ay hindi sumapit na mákalát. Iginiba na ang mga bahay na pawid, sa tulong ng isang pulutong na "caballería" upang dumumog sa mga may arì, sakaling mangagsilaban: nagkaroon ng maraming iyakan at maraming paghihinagpís, nguni't hindi na naman lumalò pa roon. Ang mga mapag-usisà, na isá na sa kanila'y si Simoun, ay nangagsiparoong lalakadlakad na di pinahahalagahan ang nangyayari, na pinanonood ang mga nawalan ng tahanan at anilá sa sarili'y makatutulog na nang payapà.

Nang magtatapos ang Abril, nang nalimot na ang lahát ng pangambá, ay walang pinaghuhunhunan sa Maynilà kundi fisang bagay. Ang pistáng gagawin ni D. Timoteo Pelaez, dahil sa pag-aasawa ng kaniyang anak na ang humandóg na mag-aanák, malugód at mapagbigáy loob, ay ang General.