- —303—
Anó, ginoóng Simbad —ang sabi sa kaniyang minsan
ni Ben-Zayb —silawin ninyó kaming minsan sa isang bagay
na ayos yankee! Isáng pinakagantí sa bayang itó.
—Mangyari ngâ ba! —ang sagot sa pamagitan ng kani-
yáng ngiting matigás.
—Ihahagis ninyó marahil ang bahay sa bintanà, anó?
—Marahil, nguni't sa dahilang wala akóng bahay....
—Binili sana ninyo ang kay kapitang Tiago, na murang
murang nakuha ni ginoóng Pelaez!
Si Simoun ay hindi umimik at mulâ na noon ay bi-
hirà na siyáng nákita sa tindahan ni D. Timoteo Pelaez,
na nábalitàng nakipagkasama sa kaniya. Makaraán ang ilang
linggó, ng buwan ng Abril, ay kumalat ang sabisabihan na
si Juanito Pelaez, ang anak ni D. Timoteo, ay mag-aasawa
kay Paulita Gomez, ang dalagang ninanasà ng mga taga
rito't ng mga dayuhan.
—May mga taong mapapalad!-anáng mga naiinggit na
mángangalakal;-makabili ng bahay na murang-mura, mag-
bili ng kaniyang tindáng zinc, makisamá kay Simoun at
maipakasal ang kaniyang anak sa isang mayamang binibini,
ang wikain ninyo'y mga kakanín iyáng hindi natitikmán ng
lahát ng mga taong may puri.
—Kung nalalaman lamang ninyó kung sa anong paraán
natamó ni G. Pelaez ang kakaníng iyan!
At sa tunog ng tingig ay ipinahihiwatig ang sarili niya.
—At mapatitibayan ko rin sa inyó na magkakaroon ng
pistá at malaki, ang dugtong na may hiwagà.
Tunay ngâ na si Paulita ay mag-aasawa kay Juanito
Pelaez. Ang kaniyang pag-ibig kay Isagani ay napawi na
gaya ng alin mang mga unang pag-ibig, na nananangan sa
magagandang pangarap, sa damdamin, Ang mga pangyaya-
ring dahil sa mga paskín at ang pagkakabilanggo ay nag-alis
sa binatà ng lahat ng taglay na pang-akit. Kangino bagá
mangyayari ang hanapin ang kasawián, nasàin ang makiisá
sa kapalaran ng kaniyang mga kasama, humaráp na kusà,
gayóng ang lahat ay nagtatago at umiiwas sa lahát ng ka-
panagutan? Iyon ay isang kabangawán, isáng kaululán, na
hindi maipatatawad sa kaniya ng sino mang taong matinô
sa Maynilà at may lubós ngâng katwiran si Juanito Pelaez
sa pagkutyâ sa kaniyá, na ginagayahan ang sandaling pag-