- —302—
At samantalang nangakákatulog at náuusad ang mga ka-
sulatan, samantalang ang mga papel sellado ay dumádami na
wari mga tapal ng mga mangmang na manggagamot sa ka-
tawán ng isang may sakit na pagkalungkót, si Basilio ay
tumatanggap namán ng balità ng boong nangyari sa Tiani,
ang pagkamatay ni Huli at pagkawala ni tanding Selo. Si
Sinong, ang kotserong nabugbog na naghatid sa kaniya sa
S. Diego, ay nasa sa Maynilà noon, dumádalaw sa kaniya
at sinasabi sa kaniya ang lahat ng pangyayari.
Samantala nama'y gumaling na si Simoun, garón ang
sabi ng mga pahayagan, si Ben-Zayb ay nagpasalamat sa
"Nakapangyayari sa lahát na nag-ingat sa gayong mahala-
gáng buhay at ipinahayag ang pag-asa na gagawin ng Lu-
mikha na mákilala sa balang araw ang nagkasalang ang ka-
gagawan ay hindi pa napaparusahan dahil sa kaawaan ng
nilapastangan, na lubós na nagpapalakad noong mga wikà
ng Dakilang Pinagpalà na: Amá, patawarin mo silá, at hindi
nalalaman ang ginagawa! Itó at iba pang bagay ang sina-
sabi sa limbag ni Ben-Zayb, samantalang sa salita'y inuu-
sisà kung tunay ang alingawngaw na ang mayamang mag-
aalahás ay magdaraos ng isang malaking pistá, isang piging
na hindi pa nakikita magpakailan man, sa isáng dako'y bilang
pasasalamat sa kaniyang paggaling at sa isa'y bilang pagpapaalam
sa bayang nagdagdag sa kaniyang kayamanan. Nababalità, at
siyang totoo, na si Simoun ay nagsusumakit, dahil sa ang Capi-
tang General ay dapat nang umalís sapagka't matatapos sa buwan
ng Mayo ang pagganap sa katungkulan, upang málakad sa
Madrid ang isang palugit pa at inuudyukán ang General na
gumawa ng isang pagsalakay upang magkaroon ng kadahi-
lanan ang di pag-alís, nguni't nábabalità riu namán
noón lamang hindi diningíg ng General ang payo ng kani-
yáng itinatangi. at inaaring bagay na kapit sa karangalan
niya ang huwag binbiuín ng isang araw man lamang sa
kaniyang kamay ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kaniyá,
alingawngaw itong nakapagpapaniwala na ang nababalitàng
pistá ay gagawin sa loob ng madaling panahon. Sa isang
dako naman, si Simoun, ay hindi mapakimatyagán; lalò pang
naging matahimik, bibihirang pakita, at bumibigkás ng nĝi-
ting mahiwagà kapag kinákausap siya ng ukol sa sinasabing
pistá.