- —301—
Si Pecson, si Tadeo at si Juanito Pelaez ay pawà ring na-
ngapigil tinanggap ng una ang mga kalabasa na taglay ang
kaniyang tawang hangal at nangakong papasok na opisial sa
alin mang hukuman; si Tadeo, na natagpûán din ang walâng
katapusáng cuacha, ay nagdaos ng isang pag-iilaw na ang
ginagawa'y sinigán ang kaniyáng mga aklát: ang ibá'y hindi
rin nangakaligtas na mabuti, kaya't nangapilitang iwan ang
kanilang mga pag-aaral, sa gitna ng kasiyahang loob ng mga
iná, na kailan pa ma'y nangakakinikinitang ang kanilang mga
anak ay bitúy pag nangakaalam ng sinasabi ng mga aklát.
Si Juanito Pelaez lamang ang tanging hindi nasiyahang loób
sa bayong iyon ng kapalaran, na iniwan na ang paaralan
dahil sa tindahan ng kaniyang amá, na mula noo'y isinamá
na siya sa kalakal: ang tindahan ay hindi nagiliwan ng
alisaga, nguni't nang makaraan ang kaunting panahón ay
nákita siyang muli ng kaniyáng mga kaibigan na bilog ang
kakubàan, bagay na nagpapakilalang bumabalik ang kaniyang
masayang ngali. Sa harap ng gayong pagkadiwarà, ang ma-
yamang si Makaraig ay nagingat na mabuti upang huwag
siyang mapanganib at nang makakuha ng pasaporte sa tulong
ng lakás ng salapi ay matuling sumakay na tungo sa Europa:
nábalitang ang marilág na Capitán General, sa kaniyang ha-
ngad na gumawa ng kabutihan nang alang-alang sa kabu-
tihan at sa pagiingat sa ikaluluwag ng mga pilipino, ay bi-
nigyang salabíd ang pag-alis ng sinomang hindi makapagpa-
kilalang tunay na tunay na mangyayaring makapaggugol at
makapamumuhay ng maluwag sa mga siyudad sa Europa. Sa
ating mga kilala, ang mga nakalusót na mabutibutí ng kauntî
ay si Isagani at si Sandoval: ang una ay nakalampás sa asignatura
na pinag-aaralan sa ilalim ng pagtuturo ni P. Fernández at
napigil sa ibá, at ang pangalawa'y nagawâng mahilo ang
mga lumilitis sa tulong ng mga talumpati. Si Basilio ang
tanging hindi nakalampás sa mga asignatura, ni hindi napi-
gil, ni hindi nakapatungo sa Europa: nagpatuloy siyá sa
pagkakakulong sa. Bilibid, na sa bawà't ikatlong araw ay
isinásailalim siya ng isang pagtatanong, yaón ding ka.
gaya nang sa simula't simulâ pa, na walang ibang kabaguhan
kungdi ang pagpapalit ng mga "instructor", sapagka't wa-
ring sa harap ng gayóng kalaking pagkakasala ay napipipi-
lang lahát ó nangagsisitakas na nauġingilabot,