Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/306

From Wikisource
This page has been proofread.
—300—


katawan sa pagtatanggol sa katibayan ng España na laban.
sa isang mananalakay na taga ibáng lupà ó laban sa mga
walang katwirang paggalaw ng kaniyang mga lalawigan, gayon
din namang pinatutunayan ko sa inyó na makikipiling
akó sa mga pilipinong sinísifl, sapagka't nasà ko pa ang
mamatay nang dahil sa mga niyuyurakang karapatán, ng
sangkatauhan, kay sa magtagumpay sa piling ng mga hangaring
jkagagaling ng isang bansa, kahì't na ang bansang ito'y may
pangalang kagaya ng pangalan ng España?

—¿Alám bagá ninyo kung kailan áalís ang correo?—ang
malamig na tanong ng General ng matapos nang makapag-
salita ang mataas na kawaní.

Tinitigan siyang mabuti ng mataas na kawani, pagka-
tapos ay ibinaba ang ulo at iniwang walang imik ang pa-
lasyo.

Sa halamanan nátagpuan ang kaniyang sasakyang nag-
aantay sa kaniya.

—Kapag balang araw ay nakapagsarili na kayó,-ang
sabing natutubigan sa indiong locayo na nagbukás ng pintuan
ng sasakyán, ay alalahanin ninyó na sa España ay hindi
nagkulang ng mga pusong tumibók ng dahil sa inyó at.
nakitunggali ng dahil sa inyong mga karapatán!

—¿Saan pô?-ang sagot ng lacayo na hindi siya napa-
kinggang mabuti at itinatanong kung saan silá paparoon.

Makaraan ang dalawang oras, ay iniharáp ng mataas na
kawani ang kaniyang pagbibitiw sa katungkulan at ipinaba-
batíd ang kaniyang pagbalík sa España sa unang korreong
áalís.

XXXII
MGA IBINUNĜA NG MGA PASKÍN

Dahil sa mga pangyayaring isinaysay, maraming iná ang
tumawag sa kanilang mga anák na lalaki upang iwan kaagád
agad ang pag-aaral at atupagin na lamang ang pagbubulag bul
ó ang pagtataním,

Nang dumating ang mga paglilitis, ay marami ang mga
hindi nakaraan at bibirà ang nangakalampás sa taon ng
kanilang pag-aaral sa mga naging kasapi sa nabantóg na
kapisanan na hindi na muli pang nabangit ng kabi't sino.