- —299—
inililiko kundi ipinaiilalim sa inyong kapasiyahan upang
kayo'y makapangyari.... Sa dahilán ngâng iniibig ko ang
España, ay nagsasalita ako dito at hindi ko pinaganganiban
ang pangungunót ng inyong noo! Ayokong sa mga dara-
tíng na panahon ay masabing siya'y inainahan ng mga bansa,
manghihitít ng mga bayan, maniniil ng maliliit na pulô,
sapagka't ang gayo'y kakilakilabot na laít sa mga mara-
rangal na adhikâ ng ating mga unang hari! ¿Papano
ang ginagawa nating pagtupad sa kanilang mga banál
na habilin? Pinangakuan nila ang mga pulong ito ng pag-
aampón at matuwid, at pinaglalaruan natin ang mga buhay
at kalayaan ng kaniyáng mámamayán; pinangakuan nila ng
kabihasnán, at pinagkákaitán natin, sa katakutang magnasà
ng isang lalong marangal na kabuhayan: pinangakuan silá
ng liwanag, at binubulag natin ang kanilang mga matá upang
huwag makita ang ating mga kalaswâan; pinangakuang tuturuan
silá ng mga kabaitan at pinaaayuan natin ang kanilang masa-
samang hilig at, sa lugál ng kapayapaan at ng katuwiran,
ang naghahari ay ang pag-aalinlangan, ang kalakal ay na-
mamatay at ang di pananalig ay lumalaganap sa taong ba-
yan. Lumagay tayo sa lagay ng mga pilipino at itanóng na-
tin sa sarili kung ano ang ating gagawin kung tayo ang nasa
gayóng kalagayan! ¡Ay! sa inyong hindi pag-imik ay ná-
babasa ko ang inyong karapatán sa panghihimagsik, at kung
ang mga bagay bagay ay hindi bubuti ay mangaghihimagsik
balang araw at ang katuwiran ay málalagay sa kanilang pa-
nig at kasama pa ang paglingap ng lahat ng taong may puri,
ng lahat ng bayani sa sangsinukob! Kapag ipinagkákait sa
isáng bayan ang liwanag, ang tahanan, ang kalayaan, ang
katwiran, mga biyayang kung wala ay hindi maaring ma-
buhay at dahil nga doo'y silá ang taglayin ng tao, ang ba
yang iyan ay may karapatáng ariin, ang sa kaniya'y nag-
aalís ng mga gayon, na waring isáng magnanakaw na
humaharang sa atin sa daan: walang kabuluhan ang pagtata-
ngi, wala kundi iisáng pangyayari, isàng pag-aari, isáng pag-
tatangká, at ang sino mang taong may kapurihán na hindi
kumampí sa hinalay, ay nakikitulong at dinudungisan
ang sariling budhi. Oo, hindi akó militar, at pinapatay
ng kagulangan ang kaunting sulák ng aking dugo; nguni't
gaya rin naman ng pangyayari na ipagúgutáy ko ang aking