- —298—
—Hindî ngâ!—ang pakli ng mataas na kawaní na tumu-
wid ng may halong pagkamataas. —IIindi ninyó ako pinipilit,
hindi ninyó akó mapipilit na makihati sa inyong kapana-
gutani Thá ang pagkakilala ko sa aking sariling kapanagutan, at
sapagka't ako'y mayroon din naman, ay magsasalita akó, yamang
hindi akó umimík ng mahabang panahón. ¡Oh huwag iayos ng
inyóng karangalan ang mga ganiyáng anyo, sapagka't ang
pagkáparitó ko, na gayón ó ganito ang katungkulan, ay hindi ang
pagtakwil ko na sa aking mga karapatán ang ibig sabihin
at manirá na lamang ako sa pagiging alipin, na walang bibig ni
karangalan! Hindi ko ibig na mawalay sa España ang magan-
dáng lupaing ito, iyang walóng angaw na sakop na masunurin at
mapagtiís na nabubuhay sa mga pag-asa at pagkakilala ng mga
pagkakamali, nguni't hindi ko rin namán ibig na dungisan ang
aking mga kamay sa ganid na pangangalakal sa kaniya;
ayokong masabi kailan man, na matapos lumipas ang pag-
bibili ng tao, ay ipinatuloy ng lalò pang malusog ng Es-
paña, na kinákanlungán ng kaniyang bandilà, at lalò pang ini-
ayos sa ilalim ng maraming magagarang kapasiyahan. Ilindî,
upang ang España ay maging malaki ay hindi niya kailangan
ang maging maniniíl; sukat na ang España sa kaniyáng sa-
rili, lalo pang malaki ang España noong walang ari kundi
ang sarili niyang lupain na naagaw sa kukó ng moro! Akó
ma'y kastilà rin, nguni't bago ang aking pagkakastilà ay
naroroon ang aking pagkatao at bago ang España at sa
ibabaw ng España ay naroroon ang kaniyang karangalan,
nároroon ang matataás na turò ng magandáng aral, ang mga
walang lipas na batayán ng di mababaling katwiran. ¡Ah!
namamangha kayó na ako'y mag-isip ng gayón, sapagka't
hindi ninyo nauunawa ang kalakhán ng pangalang kastilà,
hindi ninyo kilalá, hindi; ikinakapit ninyo sa mga tao, sa
mga pag-aari; sa ganang inyó, ang kastilà, ay mangyaya.
ring maging mangdadambóng, mangyayaring maging mama-
matáy, mapagbalatkayo, bulàan, lahát na, matanganan lamang
ang kaniyang inaari; sa ganang akin, ang kastilà, ay dapat na
iwan ang lahat, ang sakop, ang kapangyarihan, ang kaya-
manan, ang lahát na, lahát bago ang karangalan! A, aking
ginoo Tayo'y tumututol kung nababasa nating ang lakás ay
napapaibabaw sa katwiran, at pinapupurihan natin kung sa
pag gawa ay nakikita nating siya'y balatkayo na hindi lamang