- —297—
gagawa ang máibigan sa ikabubuti ng pamamahalà sa ka-
pulùáng ito? ¿Anó ang ikatatakot ko? ¿Maaarì bagáng ipag-
sakdál ako sa mga hukuman ng isang alilà at ako'y hingán
ng kapanagutan? ¡Ba! At kahit na mayroon siyang ma-
gagamit na kaparaanan ay dadaán muna sa Ministerio, at
ang Ministro....
Ikinumpay ang kamay at nagtawá.
—Ang Ministrong naghalál sa akin, ay ang diablo la-
mang ang nakaaalám kung saán na nároroón, at aariin na
niyang malaking karangalan ang ako'y kaniyáng mábati
sa aking pagbalik! Ang kasalukuyan, iyán ay pararaanín
ko sa.... at dadalhin din iyán ng diablo.... Ang hahalili.
diyán ay malilitó sa bago niyáng tungkulin na hindi ma-
kukuhang pumuná ng mga mumunting bagay. Akó, ginoo,
wala akong anomán kundi ang budhi ko lamang, gumagawa
akó ng alinsunod sa aking budhi, ang budhi ko ay nasisi-
yahán, at walang kakabukabuluhan sa akin ang hakà ni ga-
noón ó ni ganitó. Ang aking budhi, ginoo, ang aking budhi!
—Opò, aking General, nğunî't ang bayan....
—Tu, tu, tu, tu! Ang bayan, lanó ang mayroon sa
akin ng bayan? Nagkaroón bagá ako ng pakikipagkasunduan
sa kaniyá? ¿Utang ko ba sa kaniya ang aking katungkulan?
¿Siya ba ang naghalál sa akin?
Nagkaroon ng munting pananahimik. Ang mataas na
kawani'y nakatungó. Pagkatapos, waring may tinangka nang
gawin, ay tumingalâ, tinitigan ang General at, namumutlång
nanginginig ng kaunti, ay nagsabing pigil ang katigasan:
—¡Walang kailangan, aking General, walang kailangan
iyan! Kayo'y hindi inihalál ng bayang pilipino kundi ng
España, katwiran pa ngâ upang pagpakitaan ninyo ng ma-
buti ang mga pilipino upang walang maisisi sa España!
Katwiran pa ngâ, aking General! Sa pagparito cinyó ay
nangakong ilalagay sa katwiran ang pamamahalà, hahanapin
ang kabutihan....
—¿At hindi ko ba ginagawâ? —ang tanong na pabugnót ng
General na humakbáng, —¿hindi ko ba sinabi sa inyó na ki-
nukuha ko sa ikabubuti ng isá ang ikabubuti ng lahat?
¿Tuturuan pa ba ninyó akó ngayón? Kung hindi ninyó ma-
liwanagan ang aking mga gawâ ¿anó ang kasalanan ko?
¿Pinipilit ko ba kayóng makihati sa aking kapanagutan?