Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/302

From Wikisource
This page has been proofread.
—296—

—¿Siya nga ba? Kung gayo'y lalo pa ngâng dapat na
magpatuloy sa pagkakábilanggo; isáng taón pang pag-aaral,
sa lugal na makasasama, ay makabubuti sa kaniyá, sa ka-
niya at sa lahát ng mahuhulog pagkatapos sa kaniyang mga
kamáy. Dahil sa maraming pagsasanay ay hindi magiging
masamang manggagamot ang isang tao. Isa pa ngâng kat-
wiran upang mátirá! At pagkatapos ay sasabihin ng mga
mapagbagong pilibustero na hindi namin ináalagatâ ang bayan!

—ang dagdag ng General na tumatawang paaglahi.

Nakilala ng mataás na kawaní ang kaniyang kamalian
at pinangatawanán na ang usap ni Basilio.

—Dátapwa'y sa ganáng akin ay inaakalà kong ang bi-
natàng iyan ay siyáng lalòng walang kakasákasalanan sa
lahát, ang tugón na may kaunting katakutan.

—Náhulihan siya ng mga aklát,-ang sagot ng kalihim.

—Oo, mga aklát sa panggagamot at mga pahayagang
sinulat ng mga taga España.... na hindi pa nagugupit ang
mĝa dahon.... at ¿anó ang ibig sabihin nitó? At saka, ang
binatang iyan ay wala sa pigíng na idinaos sa magpapansít,
ni hindi nakihimások sa anómán.... Gaya ng sinabi ko,
siya ang lalòng walang kakasákasalanan....

—¡Lalò't lalo pa ngâng mabuti! —ang masayang bulalás
ng General; sa gayong paraán, ang parusa, ay magiging
lalong malunas at katangitanği sapagka't makasisindák pang
lalò Mamahalà ay ang umasal ng ganiyáu, ginoo; madalás
na kailangang ipailalim ang ikabubuti ng isá sa ikabubuti
ng marami.... Datapwa'y higit pa sa roón ang ginagawa
ko: sa ikabubuti ng isá, kinukuha ko ang ikabubuti ng
lahat, inaliligtas ki ang tibay ng kapangyarihan na napa-
panganib, ang karangalan ay naigagalang at tumátatág. Sa
ginawa kong ito ay naaayos ko ang mga kamalián og mğa
tagaritoʻt ng mga hindi tagarito!

Gumamit ng malaking lakás ang mataas na kawaní
upang makapagpigil, hindi pinuná ang mga parunggít, at
nagtangkang humanap ng ibang paraán.

—¿Nguni't hindi po ba ninyó kinatatakutan ang kapa-
nagutan?

—¿Anó ang ikatatakot ko?-ang pakling nayayamót ng
General hindi ba mayroon akong kapangyarihang magaga-
mit ng alinsunod sa sariling kapasiyahan? ¿hindi ko ba ma-