Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/301

From Wikisource
This page has been proofread.
—295—


ang magugugol, mğa handóg, at mga paghihirap. Ang uná
unang nakalayà, gaya ng maaantáy, ay si Makaraíg, at ang
hulí'y si Isagani, sapagka't si P. Florentino ay hindi naka-
rating sa Maynilà kung di nang makaraan muna ang isang
linggó sapol ng mangyari ang mga bagay bagay. Ang gayong
karaming pagkahabág ay naging sanhi upang bigyan ang
General ng palayaw na mahabagin at maawain na dalida-
ling idinadág ni Ben-Zayb sa mahabang kabilangan ng kani-
yáng mga palayaw.

Ang tanging hindi nakalayà ay si Basilio, na násasakdál
pa sa kasalanang pagkakaroon ng mga aklát na bawal. Hindi
namin malaman kung ang sinasabi nila'y ang aklát na Me-
dicina Legal y Toxicología ni Dr. Mata ó ang ilang paha-
yagan na ukol sa mga bagay bagay sa Pilipinas na natag.
půán sa kaniyá, ó magkasama na ang dalawáng bagay na
iyon; nguni't sinasabi rin namán na nagbibilíng palihim ng
mga aklát na bawal at napataw sa kaawàawàng binatà ang
boông bigat ng timbangan ng katwiran.

May nagbalitàng sinabi sa General:
-Kailangan na magkaroon ng isá upang máligtás ang
karangalan ng kapangyarihan at huwag masabing tayo'y
nag-ingay nang katakot-takot ng wala namang sanht. Una muna
sa lahat ang kapangyaaihan. Kailangang may mátira!

—Iisá na lamang ang natitirá, isá na, alinsunod kay
P. Irene ay, naging alilà ni kapitáng Tiago.... Walâng
naghahabol sa kaniya....

—¿Alilà at nag aaral? —ang tanong ng General: —kung
gayón ay iyan, mátirá, iyan!

—Maipahintulot po sa akin ng inyong Karilagán —ang
sabi ng mataas na kawani na nagkátaóng kaharáp —nguni't
may nagsabi sa akin na ang binatang iyan ay nag-aaral sa
Medicina, ang kaniyáng mga guro'y mabuti ang sinasabing
ukol sa kanya.... kung magpapatuloy sa pagkábilanggo ay
masasayangan ng isáng taón, at sa dahilang sa taong itó
magtatapos.....

Ang pamamagitna ng mataas na kawani na ayon kay
Basilio, sa lugal na makabutí dito, ay nakasamâ pa. Malaon
nang ang kawani at ang General ay nagkakabigatan, may samaan
ng loob, na naragdagán ng mga salísalitàan. Ang General
ay ngumiti at sumagót: