- —294—
prayle, na galing sa mga bayang kalapít, ang nangasa sa
kombento at nagpupulong. Nang kinabukasan ay nawala nang
patuluyan sa nayon si tandâng Selo na dalá ang kaniyang
tandós sa pangungusá.
- XXXI
- ANG MATAAS NA KAWANÍ
- L'Espagne et sa vertu, l'Espagne et sa grandeur
- Tout s'en va!
- (VICTOR HINGO.)
- Tout s'en va!
- L'Espagne et sa vertu, l'Espagne et sa grandeur
Ang mga pamahayagan sa Maynila ay nangalululong sa
pagsasalaysay ng ukol sa isáng nábunyag na patayang nang-
yari sa Europa, sa mga pagpupuri at pagbibigay karangalan
sa ilang predicador sa Maynilà, sa lalò't lalo pang masigabóng
pagtatatagumpay ng operetang pransés, kaya babahagya nang
makapaglaán ng gayón ó ganitong balitàng ukol sa mga ka-
tampalasanang ginagawa sa mga lalalawigan ng isang pulu-
tóng ng tulisán na pinangunguluhan ng isang pinunong ma-
bangis at ganid na nagpapamagát na Matanglawin. Tanği
lamang, kung ang nilolooban ay isáng kombento ó isáng
kastilà, ay saka lumálabás ang mahahabang salaysay na nag-
sisiwalat ng mga kakilakilabot na pangyayari at hinihingi
ang estado de sitio, mga matitinding panupil, ibp. Kaya't
hindi rin naatupag ang nangyari sa bayan ng Tiani, ni hindi
man nagkaroon ng isá mang banggit ni isang alingawngaw.
Sa mga lipunang tangi ay may kaunting bulunghulungan, nguni't
nápakalabò, nápakamahinà, na paka walâng katibayan na hindi
man lamang nabatid ang pangalan ng nasawi, at yaóng mga nag-
pakita ng malaking nasàng makaalám ay madaling nakalimot,
na naniwalang nagkaroon nang kasunduan sa kaanák ó mğa
kamag-anak na may galit. Ang tanging tiyak na napag-alamán
ay ang pag-alis sa bayang iyon ni P. Camorra upang lu-
mipat sa ibá ó manirahan ng kaunting panahon sa kom-
bento sa Maynilà.
—Kaawanwàng P. Camorra!-ang bulalás ni Ben-Zayb na
nagwaring mahabagin,-gayóng kasayá, gayóng kabuting
pusò!
Tunay nga na ang mga nag-aaral ay nangakalayà sa
kálalakad ng kanilang mga kamag-anak, na hindi tininguán