Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/299

From Wikisource
This page has been proofread.
—293—


na pumasok sa kombento. Isáng buntóng-hiningá na wáring
hingalo ang namulás sa kaniyang mga labi. Sinundán siya
at pinagbibilinan ni hermana Bali.

Nang kinagabihán ay marahang pinag-uusap-usapan ang
nangyari ng hapong iyon.

Sa durungawan ng kombento ay tumalón ang isang da-
laga na bumagsak sa mga bató at namatay. Halos kasabay
noon, isá pang babai ang lumabas na nagsisigaw at nagtititili
sa mga lansangan na wari'y balíw. Ang mga maingat na
mámamayan ay hindi makapangahás na bumanggit ng mga
pangalan at maraming iná ang kumurót sa kanilang mga
anák na babai dahil sa pagkakabigkás ng mga salitang ma-
kapagbibigay ligalig sa kanilá. Makaraan yaón, nguni't ma-
laon ng nakaraan, ng nagtatakipsilim, ay isang matandang
lalaki ang nanggaling sa nayon at tumawag ng malaon sa
pintuan ng kombento na nakasará at binabantayán ng mğa
sakristan. Ang matanda'y tumatawag sa pamagitan ng sun-
tók, ng ulo, bumibigwás ng mga timping sigáw, na waling
linaw, na gaya ng sa isang pipi, hanggang sa napalayas doon
sa pamagitan ng palò at kátutulak. Nang mangyari ang gayón
ay tumungo sa bahay ng kapitán sa bayan, nguni't sinabi sa ka-
niya roon na wala ang kapitán, na nasa kombento; tumungo sa
Hukóm pamayapà, nguni't ang Hukom pamayapà ay wala
rin, ipinatawag sa kombento; tinungo ang teniente mayor,
gayon din, basa kombento; tumungo sa kuartel, ang teniente
ng guardia sibil ay nasa kombento.... Sa gayón ay buma-
lík sa kaniyang nayon ang matandâ na umiiyak na parang
isang bata ang kaniyang ungal ay nádidingíg sa gitna ng kata-
himikan ng gabi; ang mga lalaki'y nangapapakagátlabì, ang mga
babai'y nangagdadaóp-kamáy, at ang mga aso ay pumapasok
sa kaníkanilang bahay, mga takót, at ipít ng dalawang hità
ang buntót!

—¡A, Dios, á, Dios! —anáng isáng abang babai na na-
nganğalirang dahil sa kákokolasión; sa harap mo ay walang
mayaman, walang mahirap, walang maputi, walang maitím....
ikaw ang hahatol sa amin!

—Oo, —ang sagot ng asawa, —kailan ma't ang Dios na
iyáng kanilang iniaaral ay hindi tunay na gawâgawa lamang,
isáng dayà! Silá na ang una unang hindi naniniwalà doon!

Nang ikawaló ng gabi, ay sinasabing mahigit sa pitong